
Muntik nang pangalanan ng Kapuso actress na si Ana Barro sa Fast Talk with Boy Abunda ang dalawang aktor na pumorma sa kaniya na fellow cast member niya sa comedy gag show na Bubble Gang.
Sa July 7 episode ng nasabing programa, sumalang sa “Fast Talk” si Ana kasama ang fellow cast members niya sa Bubble Gang na sina Chariz Solomon, Kokoy De Santos, at Betong Sumaya.
“Sa Bubble Gang, sino ang pinaka-guwapo?” tanong ni Boy kay Ana.
“Si Kuya Betong,” sagot naman ng aktres.
Matapos ito agad muling tinanong ni Boy si Ana, “Sino ang pumorma sa'yo sa Bubble Gang?”
Dito ay agad na napasigaw ang aktres at ang kaniyang mga kasamahan.
“Ayoko, no comment,” sigaw ng aktres habang tumatawa.
“Sagutin! sagutin!” tukso naman ni Boy, Chariz, Kokoy, at Betong.
“Tito Boy, sasagutin ko ba kung naging dalawa sila? Charot,” natatawang sinabi ni Ana.
Samantala, mapapanood pa rin ang Bubble Gang ngayong Biyernes ng gabi bago ang paglipat nito sa Sunday timeslot simula sa July 9.
Paanyaya ni Chariz, “Mga Kapuso, this Friday po, may 'Bubble Gang' pa rin, may Bubble Biyernes pa rin po pero doon makikita niyo po 'yung mga preview ng mga mangyayari sa Sunday.”
Dagdag pa niya, “Siyempre sa Sunday, July 9, sisimulan na po ng 'Bubble Gang' ng masaya ang Linggo n'yo dati kasi sisimulan lang ang weekend.”
BALIKAN ANG MASAYANG PHOTOSHOOT NG BUBBLE GANG CAST MEMBERS SA GALLERY NA ITO: