GMA Logo Geneva Cruz
What's on TV

Geneva Cruz on her past marriages: 'Sana mas nakapagpatawad ako'

By Jimboy Napoles
Published July 22, 2023 10:21 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Geneva Cruz


Ibinahagi ni Geneva Cruz ang mga natutunan niya sa past marriage niya kina KC Montero at Paco Arespacochaga.

“Huwag magiging pabigla-bigla sa mga desisyon when it comes to marriage.”

Ito ang naging pahayag ng singer-actress na si Geneva Cruz tungkol sa kaniyang natutunan sa dalawa niyang nagdaang relasyon sa celebrities na sina Paco Arespacochaga at KC Montero.

Matatandaan na unang ikinasal sina Geneva at Paco, kung saan nagkaroon sila ng anak na si Heaven Arespacochaga. Ngunit ilang taon ang nakalipas ay naghiwalay rin ang dalawa.

Noong 2004 naman muling ikasal si Geneva sa dating MTV-VJ na si KC sa Amerika. Sampung taon na nagsama ang dalawa ngunit nauwi rin ito sa hiwalayan.

Sa Fast Talk with Boy Abunda, tinanong ng batikang TV host na si Boy Abunda kung ano ang natutunan ni Geneva sa mga nagdaang relasyon.

Sagot naman ng aktres, “Huwag magiging pabigla-bigla sa mga desisyon when it comes to marriage.”

Kuwento ni Geneva, “I'm friends with the both of them pero I really consider my second marriage... kasi annulled 'yung marriage namin ni Paco. So, I consider my second marriage my real marriage and the very first relationship talaga kasi we've been together for ten years and KC raised my son with me. Now, he's happily married with a baby and I'm so happy for him and he deserves that.”

Ayon kay Geneva, natutunan niya lamang sa naging past relationship nila ni KC ay ang mas pagbibigay ng oras sa pagpapatawad.

Aniya, “Ang sa akin lang, natutunan ko lang talaga sa time namin ay sana mas nagbigay pa ako ng oras and sana mas nakapagpatawad ako dahil lahat naman tayo nagkakamali. So, 'yung mga bagay na mga ni-regret ko noong bata ako kasi we were in our early 30s nung naghiwalay kami.”

Dagdag pa ni Geneva, “Life is short, Tito Boy, and you [should] ask for forgiveness from people that you've hurt in the past. I think what you actually sow, you reap.”

Paglilinaw naman ng aktres, maayos ang relasyon niya ngayon sa kaniyang ex-husbands bilang magkaibigan.

Bagamat dalawang beses man nabigo sa pag-ibig, naniniwala pa rin si Geneva rito.

Aniya, “Love is love. I still believe in love. I'm hopeless romantic. I believe love is the answer to everything.”

Patuloy na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

BALIKAN ANG IBA PANG DETALYE NG NAGING INTERVIEW NI BOY ABUNDA KAY GENEVA CRUZ SA GALLERY NA ITO: