GMA Logo Katrina Halili and Kris Lawrence
Source: katrina_halili, iamkirslawrence (Instagram)
What's on TV

Katrina Halili, inaming kaibigan pa rin ang ex na si Kris Lawrence

By Jimboy Napoles
Published July 25, 2023 6:58 PM PHT
Updated July 30, 2023 8:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos rejects PH label as ‘ISIS training hotspot’
EXO Chen announces Manila concert in 2026
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.

Article Inside Page


Showbiz News

Katrina Halili and Kris Lawrence


Si Kris Lawrence ang ama ng anak ni Katrina Halili na si Katie.

First time sa Fast Talk with Boy Abunda, nagkuwento ang Kapuso actress na si Katrina Halili tungkol sa kaniyang ex-partner at OPM singer na si Kris Lawrence.

Ayon kay Katrina, maayos ang relasyon nila ngayon bilang magkaibigan at co-parents sa kanilang anak na si Katie.

“Mas okay kami as friends. Mas nagtutulungan kaming dalawa sa lahat ng bagay,” kuwento ng aktres tungkol kay Kris.

Maayos din umano ang relasyon ng mag-ama na sina Katie at Kris dahil nagsasama rin ang dalawa kung uuwi sila sa Maynila.

Aniya, “Kapag nami-miss ni Katie, tatawagan niya 'yung papa niya. Kapag nasa manila ako tinatawagan ko si Kris sasabhin ko, 'Uy nandito ako sa Manila,' tapos 'yun susunduin niya 'yung anak niya, hihiramin niya, pinapahiram ko naman po.”

Sa ngayon, focus lang si Katrina sa pag-aalaga sa kaniyang anak. Bagamat may current boyfriend siya ngayon, ayaw na rin muna ni Katrina sa ideya ng pag-aasawa.

“Okay na ako, love life na lang,” ani Katrina.

Hindi naman naalis sa kaniyang ideya ang pagpapakasal pero wala pa raw ito sa isip niya ngayon.

“Naniniwala naman…siguro sa tamang panahon. Pero sa ngayon wala naman sa isip ko, Tito Boy,” anang aktres.

Samantala, mapapanood naman si Katrina Halili sa upcoming Kapuso action series na Black Rider, malapit na sa GMA.

Patuloy na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SILIPIN ANG BUHAY NI KATRINA HALILI AT KANIYANG ANAK SA PALAWAN SA GALLERY NA ITO: