GMA Logo Andrea Torres
What's on TV

Andrea Torres, piniling maging kontrabida ni Bea Alonzo sa 'Love Before Sunrise'

By Jimboy Napoles
Published July 28, 2023 1:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 29, 2025
No Christmas family visit for Sarah Discaya, says BJMP
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Andrea Torres


Ayon kay Andrea Torres, si Bea Alonzo ang dahilan kung bakit tinanggap niya ang kontrabida role sa upcoming series na Love Before Sunrise.

Masayang nakipag-kuwentuhan ang Kapuso actress na si Andrea Torres sa batikang TV host na si Boy Abunda sa programa nitong Fast Talk with Boy Abunda.

Sa kanilang panayam, kinumusta ni Boy si Andrea tungkol sa comeback acting project niya na Love Before Sunrise, matapos niyang gumanap bilang si Sisa sa historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Ayon kay Andrea, ngayon lamang siya gaganap na kontrabida at tinanggap niya ito dahil makakatrabaho niya rito ang aktres na si Bea Alonzo.

niya, “Ang saya Tito Boy kasi ngayon lang po ako magko-kontrabida. I took it because Bea Alonzo is my idol talaga.”

Kuwento pa ni Andrea, hanga siya kung paano magtrabaho si Bea lalo na pagdating sa pag-usisa sa detalye ng script.

“Ako po, ino-observe ko si Bea. 'Yung script talagang inaaral niya. May mga bagay doon na hindi mo na mapapansin, little things kinu-question niya, and sabi ko, 'Dapat ganyan din ako mag-isip,'” ani Andrea.

Dagdag pa niya, “Pareho sila ni John Lloyd, Tito Boy, kasi naka-work ko rin po si John Lloyd. May nakikita siya script na, 'Ay oo nga no, it make sense.'”

Honored din si Andrea na mapili bilang isa sa star-studded cast ng upcoming series.

“Sabi ko, 'Wow,' para maisip nila na isama ako ang laking trust 'yung binigay sa akin,” Ani Andrea.

Paglalarawan pa ng sexy actress tungkol sa kanilang set, “Magaan Tito Boy. Sobrang gaan po nila katrabaho. Tawanan lang kami sa set.”

Bukod naman kay Bea, makakasama rin ni Andrea sa Love Before Sunrise ang kaniyang dating leading man sa The Legal Wives, at co-star sa Maria Clara at Ibarra na si Dennis Trillo.

Patuloy na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

BALIKAN ANG DATING TELESERYE ROLES NI ANDREA TORRES SA GALLERY NA ITO: