GMA Logo Jillian Ward
What's on TV

Jillian Ward, sinagot ang tanong kung nagpaparamdam ba sa kaniya si Jeff Moses

By Jimboy Napoles
Published July 28, 2023 6:25 PM PHT
Updated July 30, 2023 8:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

The Donald J. Trump and John F. Kennedy Memorial Center for the Performing Arts
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward


Isa si Jeff Moses sa mga leading man ni Jillian Ward sa seryeng Abot-Kamay Na Pangarap.

Nagkuwento ang tinaguriang Kapuso teen queen na si Jillian Ward tungkol sa isa kaniyang leading man sa seryeng Abot-Kamay Na Pangarap at Sparkle actor na si Jeff Moses.

Sa pagbisita ni Jillian sa Fast Talk with Boy Abunda, sinabi ni Jillian sa TV host na si Boy Abunda na masaya siyang makatrabaho ang co-stars niya sa nasabing serye.

Dito ay tinanong ni Boy si Jillian tungkol sa kung ano ang masasabi niya sa co-actor niya na si Jeff.

Aniya, “Jeff Moses….sobrang respectful and sobrang dedicated niya po sa buhay.”

Kuwento pa ni Jillian, isa si Jeff sa nagbibigay sa kaniya ng inspirasyon upang mas maging masipag sa trabaho.

“May mga time po kasi ako na nabu-burnout pero 'yung mga kaibigan ko po like si Jeff po tinitingnan ko po 'yung work ethic niya and nai-inspire po ako kasi sobrang sipag po talaga,” anang aktres.

Si Jeff ay isa sa miyembro ng Sparkada, ang grupo ng young talented artists ng Sparkle GMA Artist Center. Kilalanin siya sa gallery na ito:

Samantala, tinanong din ni Boy si Jillian kung nagpaparamdam ba ang binatang aktor na si Jeff sa kaniya.

“Wala namang paramdam?” tanong ni Boy.

Sagot naman ni Jillian, “Ewan ko po basta sobrang close po kami.”

“Sobrang close niya po sa akin and sobrang bait po niya,” dagdag pa ni Jillian habang nakangiti kay Boy.

Si Jillian ang gumaganap bilang si Dra. Analyn Santos habang si Jeff naman ay gumaganap bilang si Regan sa highly-rating GMA Afternoon Prime series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Patuloy na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.