
Ikinasal na ang ang aktres na si Maja Salvador sa kaniyang non-celebrity partner na si Rambo Nuñez.
Ang nasabing kasal ay ginaganap ngayong July 31 sa Bali, Indonesia, kasama ang pamilya at mga kaibigan nina Maja at Rambo.
Sa Fast Talk with Boy Abunda, kinumpirma rin ng batikang TV host na si Boy Abunda ang nasabing pag-iisang dibdib ng dalawa.
“Kasalukuyang pong nagaganap ang kasal ni Maja Salvador and Rambo Nuñez. Mula po sa amin dito sa Fast Talk with Boy Abunda, mabuhay ang bagong kasal. Congratulations!” masayang ibinalita ni Boy.
“It's happening in Bali, Indonesia,” dagdag pa ng batikang TV host.
SILIPIN ANG PRE-WEDDING PHOTOS NINA MAJA AT RAMBO DITO:
Samantala, matatandaan na sa Fast Talk with Boy Abunda rin unang inanunsiyo ang magiging kasalan nina Maja at Rambo ngayong Hulyo.
April 17, 2022 ang naging engagement nina Maja at Rambo. Isang taon ang makalipas, natuloy na ang kasalan ng dalawa.
Congratulations and best wishes, Maja and Rambo!