
Nagpakatotoo ang Kapuso hunks na sina Jon Lucas at Rob Gomez sa kanilang pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda.
Sa kanilang panayam kasama ang batikang TV host na si Boy Abunda, tinanong sila ni Boy tungkol sa kanilang kayang gawin upang mas maging sikat na artista.
“Kaya niyo bang ibenta ang inyong dangal para lamang sumikat ng husto?” tanong ni Boy kina Jon at Rob.
“Sa ngayon po Tito Boy parang hindi ko na po matiis so ngayon na,” birong sagot ni Jon.
Paglilinaw ng aktor, “Hindi naman po kahit naman noon. Honest lang po ako hindi po.”
Para naman kay Rob, nakagawa na siya noon ng sexy film at hanggng doon lamang ang kaniyang kayang gawin.
Aniya, “Nagawa ko naman na po before with the right material and right director.”
Pero paglilinaw rin ni Rob, hindi niya kayang magbenta ng puri upang mas sumikat.
“Para sumikat? Hindi po,” ani Rob.
Samantala, mapapanood naman si Jon sa upcoming Kapuso action series na Black Rider. Kasalukuyan namang napapanood si Rob sa GMA Afternoon Prime series na Magandang Dilag.
Patuloy na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.