GMA Logo rainier castillo
What's on TV

Rainier Castillo, inaming nagkaroon ng 2 girlfriends noon nang sabay

By Jimboy Napoles
Published August 16, 2023 11:03 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Suansing: P10-billion budget hike for House for members’ personnel, office needs
Family seeks justice after child killed in Dagupan explosion
P-pop boy group VXON announces first concert

Article Inside Page


Showbiz News

rainier castillo


Aminado si Rainier Castillo na may pinagsabay siyang girlfriend noon pero matagal niya na itong pinagsisihan.

Inamin ni StarStruck Season 1 First Prince na si Rainier Castillo na may pinagsabay siyang girlfriend noon pero aminado rin siya mali ang kanyang ginawa.

Sa pagsalang ni Rainier sa “Fast Talk” kasama ang batikang TV host na si Boy Abunda, isa sa naging katanungan ni Boy sa aktor ay, “Oo o hindi, may pinagsabay na girlfriend noon?”

“Oo,” sagot naman dito ni Rainier.

Sa pagpapatuloy ng kanilang kuwentuhan ni Boy kasama ang kaibigan at kapwa StarStruck survivor na si Mark Herras, binalikan ng una ang naging pag-amin na ito ni Rainier.

“Sinadya mo ba o nagkataon lamang?” tanong ni Boy kay Rainier tungkol sa naging pantu-two-time nito noon.

Kuwento naman ni Rainier, “Kapusukan…Siguro gusto ko lang po masubukan noong mga time na 'yun. Curious ako kung ano ba ang pakiramdam pero mahirap din pala. Hindi rin talaga tumagal 'yun.”

Biro niya, “Mahirap 'yung time management tapos hindi puwedeng isa lang ang cellphone mo, dapat magkaiba yan.”

Paglilinaw niya, “Hindi po, hindi po tama. Mali 'yun.”

Samantala, muli namang mapapanood si Rainier sa kanyang comeback acting project, at upcoming action series na Black Rider.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.