GMA Logo Anthony Pangilinan at Maricel Laxa
What's on TV

Anthony Pangilinan at Maricel Laxa, inaming muntik nang maghiwalay noon

By Jimboy Napoles
Published August 18, 2023 7:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala cheered on by Gauff, Mboko after SEA Games run
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

Anthony Pangilinan at Maricel Laxa


Gaya ng normal na mag-asawa, dumaan din sa mga pagsubok ang relasyon nina Anthony Pangilinan at Maricel Laxa.

Ikinuwento ng celebrity power couple na sina Anthony Pangilinan at Maricel Laxa sa Fast Talk with Boy Abunda ang kanilang mga pinagdaanan bilang mag-asawa gaya na lamang ng muntik na nilang paghihiwalay noon.

Ayon kina Anthony at Maricel, inihahalintulad nila sa marathon ang kuwento ng kanilang pagsasama kaya naman ito ang naging paksa ng kanilang isinulat na libro.

“So marami kaming lessons na natutunan doon, preparing, racing, recovering, and naisip namin aba lahat ng lessons na 'to puwede sa mga mag-asawa,” ani Maricel.

Gaya ng isang marathon, dumaan din umano sila sa maraming pagsubok. Kuwento ni Maricel, dahil lumaki siya sa isang single parent, natutunan niyang mas maging independent.

Kaya naman nang maramdaman niya ang simula ng mga problema kasama si Anthony ay marami siyang na-realize para sa kanilang relasyon.

Aniya, “I think kapag lumaki ka sa isang tahanan na may single parent ka, survivor ka. So when you see something not working, 'wag natin pilitin, magkasundo na lang tayong maging magkaibigan tapos let's move on.”

Sa umpisa umano ng pagsasama nina Anthony at Maricel ay mas nakilala pa nila ang isa't isa.

“Siyempre marami kaming natuklasan about each other. Mga little things lang pero things that would annoy you,” ani Maricel.

Kuwento naman ni Anthony, naging problema nila ng misis na si Maricel ang adjustment para sa isa't isa. “Ang problema kasi kay Maricel, nag-adjust sa akin 'yan para magkasama kami. I don't think if you did it consciously e,” ani Anthony.

Dagdag pa niya, “Alam mo, outgoing ako, naging outgoing din siya. May mga kaibigan ako, kinaibigan niya rin lahat pero nung nag-asawa kami, 'yun pala hindi pala siya ganun.”

“Introvert pala ako,” dugtong ni Maricel.

Paglalahad pa ni Anthony, ginawa ni Maricel ang mga bagay na hindi siya sanay para mas mapalapit sa kanya pero ito pala ang isa sa mga magiging problema nila.

“Ayaw niya pala ng maraming kaibigan, ayaw niya pala ng lumalabas. Complete change yung personality niya.”

Ayon naman kay Maricel, nagawa niyang gawin ang hindi niya gusto para sa asawa dahil gusto niyang mag-work ang kanilang relasyon.

SILIPIN ANG MASAYANG PAMILYA NINA MARICEL AT ANTHONY DITO:


Paglalahad ng batikang aktres, “I think 'yung mindset na alam mo ng this is the one and you want to make it work without really thinking about it, I was adjusting to him.”

Pero gaya pa rin ng isang marathon, kinailangan daw nina Anthony ang payo ng kanilang coach o ng mga ibang taong napagdaanan na ang kanilang pinagdaraanan pa lamang bilang mag-asawa.

Aniya, “We got a lot of help from a lot of people. Parang marathon, kailangan mo ng coach, kailangan mo ng pinapalakpakan ka sa sidelights, otherwise you will quit.

“It's a marathon. Sa marathon merong mga races na maraming bridges, kailangan umikot dito, may pababa kailangan mag-relax ka, so ganun din sa marriage.

“You have to talk to people who have been married before you kasi may rota yan. Kapag wala kang idea sa rota ng marriage, masa-shock ka, you cannot anticipate, you cannot prepare for it.”

Kuwento pa ni Anthony, mahalaga ang mga desisyon bilang mag-asawa.

“You make a decision, you make a decision when you get married 'di ba kapag wedding day, pero araw-araw pala kailangan magdesisyon ka.”

Dagdag pa niya, “Sabi nila, madali yung decision making, yung decision management diyan tayo nahihirapan.”

Ngayong taon ipagdiriwang nina Anthony at Maricel ang ika-30 taong anibersaryo ng kanilang kasal. Sila ay may limang anak kabilang ang binatang aktor na si Donny Pangilinan.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.