GMA Logo julia montes
What's on TV

Julia Montes at Coco Martin, engaged na?

By Jimboy Napoles
Published October 5, 2023 6:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Brook Lopez's 9 treys power Clippers to win over Blazers
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers
'PBB' housemate Joj Agpangan weds fiancé in Austin, Texas

Article Inside Page


Showbiz News

julia montes


Ano na nga ba ang estado ng relasyon ngayon nina Julia Montes at Coco Martin?

Sa kauna-unahang pagkakataon, game na game na sumalang sa Fast Talk with Boy Abunda ang Kapamilya actress na si Julia Montes.

Sa panayam ni Boy Abunda kay Julia, pinag-usapan nila ang upcoming movie ng aktres kasama ang Kapuso actor at Asia's Multimedia Star na si Alden Richards na pimagatang Five Breakups and a Romance.

KILALANIN ANG MGA NAGING LEADING LADY NI ALDEN RICHARDS:

Bukod dito, dinaanan din ng kuwentuhan nina Boy at Julia ang kasintahan ng aktres na si Coco Martin.

“Sino si Coco Martin sa buhay mo?” tanong ni Boy kay Julia.

Sagot naman ng aktres, “My knight and shining armor.”

Matapos ito, sa “Talk or Dare” segment ng programa, sinagot ni Julia ang tanong ni Boy kung engaged na nga ba sila ni Coco.

Ayon kay Boy, marami umanong nakapansin sa singsing na suot-suot ni Julia sa naganap na ABS-CBN Ball 2023. Hinala ng ilan, ito na raw ang engagement ring ng celebrity couple.

“Noong last ABS-CBN Ball, people were talking about the ring that you were wearing…people were speculating, 'Is that an engagement ring?' 'Kasal na ba sina Julia at si Coco?'” ani Boy.

Pagpapatuloy ng tanong ng batikang TV host, “Julia, my question is engaged na ba kayo? Kasal na ba kayo? Ano ba ang inyong estado ni Coco Martin? Would you like to talk or dare?”

Pinili naman ni Julia ang “talk” dahil mas na-pressure umano siya na sumayaw kung pipiliin niya ang “dare.”

Sagot ni Julia, “Let's cross the bridge when we get there.”

Tanong muli ni Boy sa aktres, “Are you happy?”

“I am happy Tito Boy,” nakangiting sinabi ni Julia.

Samantala, mapapanood na ang first movie nina Julia at Alden na Five Breakups and a Romance sa darating na October 18 sa mga sinehan.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.