GMA Logo Rio Locsin
What's on TV

Batikang aktres na si Rio Locsin, may tampo nga ba sa mga award-giving body?

By Jimboy Napoles
Published October 10, 2023 6:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 19, 2025
Davao City expands incentives to attract more investors
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Rio Locsin


“Ang para sa akin lang na puwede kong maipagmalaki ay hanggang ngayon nandito pa rin ako at pinagkakatiwalaan.” - Rio Locsin

Isa ang batikang aktres na si Rio Locsin sa itinuturing na pinakamahuhusay na aktres sa industriya noon at magpahanggang ngayon.

Kabilang si Rio sa mga artistang nakatrabaho ang maraming mga kilalang tao at tinaguriang mga haligi ng industriya kabilang ang yumaong mga direktor na sina Lino Brocka at Ishmael Bernal.

Ngunit sa dami ng kaniyang mga nagawang teleserye at pelikula, aminado si Rio na wala siyang masyadong pagkilala na natanggap.

SILIPIN ANG MGA LARAWAN NG ILANG VETERAN ACTRESS SA GALLERY NA ITO:

Sa pagbisita ni Rio sa Fast Talk with Boy Abunda, tinanong ng TV host ang aktres kung nais niyang magturo ng pag-arte dahil sa kaniyang pagiging batikan na pagdating dito.

Sagot ni Rio, “Gusto kong magturo pero hindi ko alam kung paniniwalaan nila ako kasi wala naman ako masyadong napatunayan.”

Ayon kay Rio, ang tanging maipagmamalaki niya lamang ay ang itinagal ng kaniyang karera bilang isang artista.

Aniya, “Ang para sa akin lang na puwede kong maipagmalaki ay hanggang ngayon nandito pa rin ako at pinagkakatiwalaan. Pero kung sasabihin na mga award, wala akong masyadong awards, recognitions.”

Kaugnay nito, tinanong ni Boy si Rio kung may nararamdaman ba siyang tampo sa hindi naging pagkilala sa kaniya ng mga award-giving body.

Tugon naman ng batikang aktres, “Wala akong tampo basta ang sa akin, ginawa ko ang trabaho ko at ang recognition ko hindi dito, sa itaas, sa langit ang recognition ko.”

Dagdag ni Rio, mas gusto niyang maalala bilang isang mabuting tao higit sa pagiging mahusay na aktres.

“Gusto ko kapag maaalala ako ng tao, [sasabihin nila] 'Ay mabuti siyang tao.'”

Samantala, muling mapapanood si Rio sa GMA sa pagsisimula ng upcoming action series ng GMA na Black Rider na pinagbibidahan ni Ruru Madrid.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.