GMA Logo ruru madrid
What's on TV

Ruru Madrid, natupad ang pangarap na action series dahil sa 'Black Rider'

By Jimboy Napoles
Published November 6, 2023 5:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Viral na lady driver, toy gun lang daw ang baril at panakot sa mga namamalimos—CDO Police
Negros Occ records over 260 road mishaps
2026: A guide to the Year of the Fire Horse

Article Inside Page


Showbiz News

ruru madrid


Inamin ni Ruru Madrid na ipinagdasal niya na bumida sa action series na 'Black Rider.'

Muli nang mapapanood sa GMA Telebabad ang tinaguriang Primetime Action Hero na si Ruru Madrid sa pinagbibidahan niyang action series na Black Rider.

Sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin ni Ruru na talagang pinagdasal niya na makuha ang nasabing serye.

“Paano mo pinaghandaan ito [Black Rider]?” tanong ni Boy kay Ruru.

Sagot ng aktor, “Siguro, Tito Boy, may factor na rin na ever since bata ako, pangarap ko po talaga gumawa ng action. So no'ng nalaman ko po na meron pong gagawin ang Public Affairs ng GMA na isang aksyon na teleserye, sinabi ko po talaga na, 'Sana akin 'to.'

“So pinag-pray ko, pinagpanata ko po siya na makuha ko po itong proyekto. At 'yun, binigay po sa akin ng Panginoong Diyos. Pinagkatiwala po sa akin ng GMA.”

Kuwento pa ni Ruru, sineryoso niya ang maraming training bilang paghahanda sa mga maaaksyong eksena sa Black Rider.

Aniya, “So ever since then, talagang nag-training ako. Iba po kasi ang training ng, hand-to-hand combat or kunyari, ng MMA. Kasi dito, mas cinematic. So the movements,kumbaga, mas malaki. Mas malaki 'yung galaw.”

RELATED GALLERY: Ruru Madrid talks about knee injury from doing own action stunt

Ayon pa sa aktor, siya rin mismo ang gumagawa ng sarili niyang stunts sa ibang mga eksena sa serye.

“Actually, Tito Boy, ako rin po gumagawa ng mga sarili kong stunts. Ako kasi, ayoko po kasing, kumbaga, ayokong manghinayang na hindi ko binigay ang lahat,” ani Ruru.

Paraan din umano ni Ruru ang matitinding training upang maiwasan ang aksidente sa set ng action series.

Aniya, “So sometimes, syempre nagpe-pray po muna 'ko na sana hindi po ako mapahamak. Pero nanggagaling po lahat ng confidence na 'yun sa ilang beses na trainings na namin.”

“Kaya 'pagka sumalang ka sa set, at hindi ka aware sa mga mangyayari, doon ka po maaaksidente,” dagdag pa niya.

Mapapanood ang Black Rider, simula ngayong Lunes, November 6, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

Patuloy na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.