
Emosyonal na ibinahagi ng tinaguriang Primetime Action Hero na si Ruru Madrid sa Fast Talk with Boy Abunda kung paano siya nananatiling mapagkumbaba sa kabila ng tinatamasang kasikatan ngayon.
Kuwento ni Ruru kay Boy Abunda, bukod sa kanyang pananampalataya sa Diyos, malaking tulong din umano ang ibinibigay na pagmamahal ng mga taong nakapaligid sa kanya kasama ang kanyang girlfriend na si Bianca Umali.
“Anong ginagawa mo para hindi ka ma-overwhelm? Hindi ka mapalayo doon sa core mo?” tanong ni Boy kay Ruru.
Sagot ng aktor, “Para hindi mabago ng lahat ng ito na alam mong temporary? Number one, Tito Boy, is 'yung pananampalataya ko. Kasi alam ko na kahit na ano pang mangyari sa buhay ko, isang iglap lang, puwede mawala po lahat ng 'to kung di ko papangalagaan 'yung pananampalataya ko, 'yung faith ko.
“At the same time, siguro nagpapa-ground talaga sa akin is 'yung mga taong nagmamahal sa akin. Mga taong sumusuporta. And I guess, number one is si Bianca.”
Ayon kay Ruru, nakita ni Bianca kung paano siya nahirapan noon at sinamahan siya nito hanggang sa maabot niya ang kanyang mga pangarap.
Aniya, “Kami laging magkausap dahil nakita niya po nung mga panahon na hirap na hirap ako. Nakita niya nung mga panahon na akala ko sa sarili ko na wala na kong mararating sa buhay na 'to.”
“So every time na inaalala ko 'yung mga panahon na 'yun, kung gaano kahirap marating kung nasa'n po ako ngayon, hindi ko na po hahayaan maulit 'yun. Kumbaga, hindi ko i-te-take for granted lahat ng mga bagay na dumadating sa buhay ko dahil alam ko po 'yung hirap ng wala,' dagdag pa ng aktor.
RELATED GALLERY: Ruru Madrid and Bianca Umali explore Paris
“Paano ka..for lack of a better word, paano ka napatino ni Bianca?” tanong muli ni Boy kay Ruru.
“Siguro masasabi ko na nahanap ko 'yung taong katapat ko,” tugon ng aktor.
Paliwanag niya, “Totoo nga talaga 'yun. Akala ko po dati, hindi totoo 'yun. Akala ko dati, ako… siguro nung bata ako, iniisip ko, gusto ko pong magkaanak pero parang hindi ko kayang mag-settle with a girl.
”Pero no'ng dumating siya sa buhay ko, I don't know, for some reason, parang nakaramdam po ako ng spark. At sinabi ko na ito 'yung gusto kong makasama habangbuhay.”
“Hindi ko po 'yun naisip dati. But ngayon, sobrang proud ako na ipagmalaki na 'yun 'yung nararamdaman ko para sa kanya,” anang aktor.
“Salamat for sharing that,” ani Boy.
“Salamat. Really thank you, Ruru. Kasi hindi lamang sumikat ka nang husto but 'yung evolution mo as a person, kitang-kita namin,” dagdag pa ng TV host.
Sa nasabing episode, nasa studio rin si Bianca habang ini-interview ni Boy si Ruru kung saan naging emosyonal din ang aktres.
Mapapanood si Ruru sa action series na Black Rider, simula ngayong Lunes, November 6, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.
Patuloy na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.