GMA Logo Sofia Pablo Allen Ansay on Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Allen Ansay at Sofia Pablo, in a relationship na nga ba?

By Jimboy Napoles
Published November 16, 2023 9:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Kenneth Llover stops Chinese foe, retains OPBF crown
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo Allen Ansay on Fast Talk with Boy Abunda


More than friends na nga ba sina Allen Ansay at Sofia Pablo?

Mula sa pagiging magkaibigan, nauwi na nga ba sa pag-iibigan ang relasyon ng Sparkle sweethearts na sina Allen Ansay at Sofia Pablo?

Sa Fast Talk with Boy Abunda, inusisa ng TV host na si Boy Abunda ang tunay na estado ng relasyon ng Team Jolly na sina Allen at Sofia.

Pero pag-amin ng dalawa, hanggang ngayon ay nananatili silang magkaibigan lamang. Sa kabila nito, hindi rin naman daw sila papayag na may ibang manligaw o liligawan ang isa't isa.

Sa “Talk or Dare” segment ng programa, tinanong naman ni Boy si Sofia kung may pag-asa ba si Allen sa kanya sakaling manligaw na ito sa susunod na taon.

“Kung tatanungin ka ni Allen, 'Can you be my girlfriend?' Sasagutin mo ba ng 'Yes' or 'No'? You can talk or dare,” tanong ni Boy kay Sofia.

Sandaling nag-isip si Sofia at nakangiting sinabi, “Dare.”

RELATED GALLERY: LOOK: All the times Allen Ansay showed love and support for Sofia Pablo on social media

Magkayakap naman na sumayaw sina Allen at Sofia bilang consequence sa pagpili ng huli ng “dare.”

Bago matapos ang programa, tinanong pa ni Boy ang dalawa. Aniya, “Ano ang pangako n'yo sa isa't isa?”

“Hihintayin ko 'yung tamang panahon,” sagot ni Allen habang nakatingin kay Sofia.

“Lagi kong uunahin kung saan ako at kung saan tayo masaya,” sabi naman ng dalagang aktres sa aktor.

Matapos ito, hindi pa pinakawalan ni Boy ang dalawa at muli silang kinausap.

“In one word, describe mo nga si Sofia,” anang TV host kay Allen.

“Love,” sagot naman ng aktor.

“Anong sagot mo doon Sofia?” tanong ni Boy kay Sofia.

“Uhmm, you?” masayang sinabi ng aktres.

“Doon na natin tapusin 'yun,” kinikilig na sinabi naman ni Boy.

Samantala, mapapanood naman sina Allen at Sofia sa second story ng Sparkle University na Ghosted, malapit na sa GMA.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.