
“Disciplinarian ako, pero hindi ako diktador.”
Ito ang ilan sa mga naging pahayag ni Melanie Marquez nang hingan siya ng reaksyon ni Boy Abunda tungkol sa naging pag-amin noon ng kanyang anak na si Michelle Dee na isa siyang bisexual.
Matatandaan na kasunod nang pagkapanalo noon ni Michelle sa Miss Universe Philippines 2023, ay siya ring naging pag-amin niya ng kanyang gender identity.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, December 15, tinanong ni Boy ang ina ni Michelle na si Melanie tungkol dito.
Sagot ni Melanie, “Well, wala naman ano sa akin kasi, I always believed that where my children be happy siyempre alam naman nila 'yung right and wrong.”
Ayon sa '80s beauty queen, nirerespeto niya ang mga desisyon sa buhay ng kanyang mga anak pero hindi nawawala ang paggabay niya sa mga ito.
Aniya, “So, when it comes to their choices in life, I just let them know the consequences of what will happen. So, the rest will be your choices. Ganun ang respeto na binibigay ko sa mga anak ko, hindi ako diktadora e.”
“Disciplinarian ako, pero hindi ako diktador. Kaya I get along with my children,” dagdag pa niya.
RELATED GALLERY: Michelle Dee comes out as bisexual on a new magazine cover
Matatandaan na all-out din ang naging pagsuporta ni Melanie sa laban ni Michelle kamakailan sa Miss Universe 2023 sa El Salvador.
Baon ni Michelle sa kanyang Miss Universe journey ang mga aral na itinuro sa kanya ng inang si Melanie lalo na ang iconic snake walk sa kanyang pasarela.