
Inamin ng batikang aktres na si Andrea Del Rosario sa Fast Talk with Boy Abunda na hindi niya ginusto noon na maging isang sexy star.
Matatandaan na isa si Andrea sa mga sikat na sexy actress noong early 2000s kung saan kabilang din siya sa girl group na Viva Hot Babe.
RELATED GALLERY: Andrea Del Rosario during her Viva Hot Babe stint
Sa panayam ni Boy Abunda kay Andrea, tinanong niya ang aktres, “When you were being packaged as a sexy star did you like it?”
“Of course not,” agad na sagot ni Andrea.
Pero ayon sa aktres, ito ang naging paraan niya noon upang makatulong sa kanilang pamilya.
Aniya, “But my drive kasi at that time was to help my family. My drive to work was because of my family. Like what I said, nagkahiwalay po 'yung mga magulang ko and then it was just my mom and then she had to take care of the four of us.”
Dagdag pa niya, “So, 'yun 'yung parang opportunity ko to somehow move forward in life.”
“You were torn at a certain point?” sumunod na tanong ni Boy kay Andrea.
Tugon ng aktres, “As far as I can remember, yes. But of course, siyempre parang kinondisyon ko na rin 'yung mind ko to have the right kind mindset na don't regret any decision that I make.
“'You just do it,' and 'yun that's what I did.”
Samantala, napapanood naman ngayon si Andrea sa mystery revenge drama na Makiling sa GMA Afternoon Prime.