GMA Logo Roderick Paulate at Carmi Martin
What's on TV

Roderick Paulate at Carmi Martin, nagkaroon ng past noon?

By Jimboy Napoles
Published January 31, 2024 10:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Environmentalist sa Negros Oriental, Gipusil Patay | Balitang Bisdak
24 Oras Express: January 16, 2026 [HD]
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Roderick Paulate at Carmi Martin


Roderick Paulate at Carmi Martin, napangiti sa tanong ni Boy Abunda tungkol sa kanilang past.

Napuno ng throwback kuwentuhan ang episode ng Fast Talk with Boy Abunda ngayong Martes, January 30, kasama ang mga batikang artista sa industriya na sina Roderick Paulate at Carmi Martin.

Bukod kasi sa kanilang mga tumatak na linya sa kanilang mga pelikula noon, tinanong din ni Boy Abunda sina Roderick at Carmi tungkol sa kanilang matagal nang pagkakaibigan.

“Bakit kayo magkaibigan?” tanong ni Boy sa dalawa.

“Totoo siya [Carmi Martin] kasi,” sagot ni Roderick.

“Ako rin, faithful ako sa kaniya,” dugtong naman ni Carmi.

Dagdag pa niya, “Kahit nakatalikod, nagkikita man o hindi, isa lang ang sagot ko, kung ano 'yung sinasabi ko sa kaniya, nire-respect ko.”

“At saka wala kaming maskara,” ani pa ni Roderick.

Sa nasabing interview, binuksan din ni Boy ang usapan kung nagkaroon ba ng past sina Roderick at Carmi na higit pa sa friendship.

“Pero kayong dalawa, hindi ba kayo nagkagustuhan?” mapangahas na tanong ni Boy.

Agad naman na natawa sina Roderick at Carmi.

Paliwanag ni Roderick, “Kasi nung panahon namin, nakita ko nga 'yung mga naka-aligid [Kay Carmi], mga mestizo e. E, ako naman madali naman akong makaramdam. Parang sa nakita ko, parang hindi yata ako puwedeng pumasok diyan.”

Dagdag pa niya, “'Di ba? Realistic. Alam ko naman kung saan ako pupuwesto.”

Samantala, mapapanood naman si Carmi sa season 2 ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis soon on GMA.