
“First two years namin umiiyak ako sa kaniya. Ang hirap.”
Ito ang naging pag-amin ni EA Guzman tungkol sa ginagawa nilang celibacy ng kanyang fiance na si Shaira Diaz.
Sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, February 20, ikinuwento nina EA at Shaira na 11 taon na silang nagpa-practice ng celibeacy simula nang sila ay maging officially in a relationship.
Kuwento ni EA sa batikang TV host na si Boy Abunda, “First two years namin umiiyak ako sa kaniya. To be honest ang hirap. Noong time na iyon parang hindi ko na kaya. Kasi siyempre 'di 'ba?”
“Baba, hindi ko na kaya,” sabi raw noon ni EA sa nobyang si Shaira. Pero nabuhayan daw ng loob ang aktor nang sabihin sa kaniya ito ni Shaira sa kanya, “Kung mahal mo talaga ako, hihintayin mo ako.”
“Doon ako tinamaan. Iyon ang lagi kong sinasabi sa sarili ko kapag ka nakakaramdam ako ng ganito,” ani EA.
Dagdag pa ng aktor, “Sabi ko nga noong nag-announce kami sa engagement namin na I respect Shaira a lot -- kung alam lang nila.”
Paliwanag ni Shaira, pangako niya raw talaga sa kanyang magulang ang “no sex before marriage.”
“Kasi ako po ino-honor ko po yung family ko, especially my mom and dad. Iyan po ang promise ko sa kanila talaga na kahit iwan niyo ako saan, ito buo-buo pa rin ako,” anang Unang Hirit host.
Dagdag pa niya, “Sabi nila iyon yung best gift na mabibigay mo sa asawa mo.”
Samantala, sa nasabing interview, inamin din ni Shaira na hindi pa siya handang magpakasal nang mag-propose sa kanya si EA noong December 2021.
Aniya, “Kasi Tito Boy, share ko lang, Gaya ng sabi ko, alam niya na hindi pa ako ready. He asked my friends, mga best friends ko…. alam ng bestfriends ko na hindi pa ako ready kasi marami pa akong gustong gawin.
“Pero in-assure ni Edgar na willing to wait siya. Kahit gaano pa katagal 'yan, hindi niya ako pipilitin, hindi niya ako mamadaliin, willing to wait siya, basta pakasalan ko siya.”
Paglilinaw pa ni EA, “Nandito lang ako kung kailan ka ready. Andito lang ako. I'm willing to wait. I'm willing to sacrifice.”
February 17, 2024, ipinagdiwang nina EA at Shaira ang kanilang 11th anniversary.
RELATED GALLERY: EA Guzman and Shaira Diaz's heartwarming engagement photos