GMA Logo Kelvin Miranda and Beauty Gonzalez
What's on TV

Kelvin Miranda, liligawan ba si Beauty Gonzalez kung naging single ito?

By Jimboy Napoles
Published February 27, 2024 5:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
6 men to face alarm and scandal complaint after roadside scuffle
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Kelvin Miranda and Beauty Gonzalez


“Kung single si Beauty liligawan mo ba siya?” Alamin ang sagot ni Kelvin Miranda, RITO:

Nagkaaminan sina Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda sa kanilang interview sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, February 26.

Balik-tambalan kasi ang dalawang Kapuso stars sa pelikulang After All na mapapanood na sa mga sinehan simula bukas, February 28.

Unang nagtambal sina Beauty at Kelvin sa GMA series na Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette noong 2021.

Bagamat may age difference ang dalawa, pumatok at kinagat pa rin ng masa ang kanilang chemistry.

Sa panayam sa kanila ng batikang TV host na si Boy Abunda, sinabi ni Beauty na natutuwa siya na magkaroon ng ka-love team.

Aniya, “This is my first love team talaga in my acting career. Actually, ito 'yung show na nagkaroon ako ng love team kasi it's always the four, the three, the support.

“Sa GMA ako binigyan ng unang show na may love team talaga and, now, may movie kami. Nakakataba ng puso and may regalo kami sa fans na sumusuporta sa 'ming love team at my age.”

Sinabi naman si Kelvin na hindi siya nahirapang makatrabaho si Beauty. Sa katunayan, na-miss niya nga raw ang intimate scenes nila ng aktres.

“Na-miss mo 'yung moments na nagbabatuhan kayo ng linya na magkatapat. Siyempre, 'yung kissing scenes dito sila 'yung nag-guide sa amin doon.

"Sobrang nahihiya ako, first time ko kasi gawin 'yung gano'ng klaseng scene sa TV so nakikinig ako. 'Di ko alam kung paano ko i-a-approach, parang nahihiya pa ako aminin. Kay direk ko pa sinasabi, 'di pa ako umaamin sa kanya na 'di ko alam kung paano gawin,” ani Kelvin.

Sa kanilang pagsalang sa “Fast Talk” segment, may inamin naman sina Beauty at Kelvin sa isa't isa.

“Kung single si Beauty liligawan mo ba siya?” tanong ni Boy kay Kelvin.

“Oo naman,” masayang sinabi ng binatang aktor.

“Beauty, kung single ka, may chance ba si Kelvin?” tanong naman ni Boy kay Beauty.

Napatili at napatayo naman ang aktres sa naging tanong ni Boy.

“Hala ginoo ko. Ano ba yan…Oo naman,” kinilikig na sagot ni Beauty.

Samantala, napapanood naman ngayon si Beauty sa GMA Afternoon Prime series na Stolen Life, at sa Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis. Naghahanda naman ngayon si Kelvin para sa kanyang role sa Encantadia Chronicles: Sang'gre bilang si Adamus.