
Masayang binalikan ng batikang aktres na si Rita Avila ang naging intimate scene nila noon ng aktor na si EA Guzman.
Sa interview niya sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Biyernes, March 1, napag-usapan ang naging age gap nila ng kanyang asawa at direktor na si Erick Reyes o mas kilala bilang FM Reyes at ang pagkakaroon niya ng batang leading men noon.
Matatandaan na nakatambal ni Rita Avila ang aktor na si EA Guzman sa pelikulang Magdamag noong 2010, at si Martin Del Rosario naman sa isang episode ng #MPK o Magpakailanman noong 2020.
Tanong ng TV host na si Boy Abunda kay Rita, “Kung hindi man naging issue 'yung mas bata sa 'yo si Erick, naging issue ba na pati ang leading men mo are getting younger?”
Dito ay masayang nagkuwento si Rita, “A, kami ni EA, alam mo, the night that I met him, natawa ako. Hindi dahil… I didn't mock him a. Pero parang, 'Ha? 'Yan ang leading man ko?
“Pero, nung first shoot namin, alam ko na that he's a good actor. Na-sense ko na. Magaling 'yung bata.”
“Would you do kissing scenes with younger actors?” sumunod na tanong ni Boy sa aktres.
Sagot naman ni Rita, “Yeah, we did. I did with both of them. Kay Martin smack lang naman e. Kay, EA, as in love scene! Love scene talaga.”
Ayon kay Rita, hindi naman naiwasan ang ilangan nila noon pero nagawa naman nila nang maayos ni EA ang kanilang eksena.
Aniya, “Wala, parang… tinanong lang naman kami nung director kung hanggang saan pwede, ganyan. Ta's wala na, 'yun na. Ganun talaga, yung parang 'pag 'andun ka na, parang magic 'yan e. You transform.
“Pero 'pag cut na, syempre parang…I don't know kung hindi kami nagtitinginan, may, may hiya, 'yung ganyan, ta's parang nailang.”
Natatawang kuwento pa ng aktres, “Hindi ko siya matawag na anak, kasi pa'no siyang aarte na ka-love scene ko, kung anak ang tawag ko sa kanya sa set, 'di ba? But after that, nung shoot namin, 'Ayan!', sabi ko, 'Pwede na kitang tawaging anak.'”
Samantala, reunited naman sina Rita Avila at EA Guzman sa bagong GMA Afternoon Prime series na Lilet Matias, Attorney-At-Law, na mapapanood simula sa Lunes, March 4.
RELATED CONTENT: #MayDecemberLoveAffair: Celebrities who believe that age doesn't matter