
Pinanigan ng Bureau of Immigration ang deportation case na isinampa ng Kapuso comedienne na si Pokwang laban sa kaniyang ex-partner na si Lee O'Brian.
Noong 2023, inireklamo ni Pokwang si Lee dahil sa umano'y iligal na pagtatrabaho nito sa iba't ibang production company sa bansa dahil wala itong kaukulang permit.
Nitong April 8, umalis na si Lee sa Pilipinas patungong Amerika matapos manalo ni Pokwang sa kaso.
Bukod sa deportation, blacklisted na rin si Lee sa Bureau of Immigration kaya hindi na ito maaaring makabalik pa ng Pilipinas.
Ayon naman sa aktres at TV host, para sa ikabubuti rin nila ni Lee ang pag-alis nito sa bansa. Aniya, “At least for the peace of mind of both sides."
Samantala, mapapanood naman si Pokwang sa Kapuso variety game show na TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes sa GMA.