GMA Logo Gary Valenciano
What's on TV

Gary Valenciano, inaming kinuwestiyon noon ang Diyos dahil sa mga pinagdaanang karamdaman

By Jimboy Napoles
Published April 24, 2024 12:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Gary Valenciano


Matapos sumailalim noon sa heart bypass surgery si Gary Valenciano ay nagkaroon naman siya ng kidney cancer.

Survivor na maituturing ang batikang singer-performer na si Gary Valenciano dahil sa mga nalampasan niyang karamdaman sa kalusugan.

Pag-amin ni Gary sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan, minsan na niyang kinuwestiyon ang Diyos dahil sa kaniyang mga pinagdaanang sakit. Pero paglilinaw niya, wala siyang nararamdamang galit kapag tinatanong niya ang Diyos.

Paglalahad pa ng “Natutulog Ba Ang Diyos” singer na si Gary, “Yeah… [I] question [Him], but not with bitterness a? 'Yung tipong, nahulog ka, 'O bakit?' Gano'n. Pero hindi 'yung tipong 'Bakit nagkaganito? Hindi pa ba sapat na 'yung diabetes?' Because I also had cancer, 'di ba?”

Dagdag pa niya, “I never did look up with anger. It was always like a child to a father.”

RELATED GALLERY: Gary V gives young artists advice on how to face controversy on 'Fast Talk With Boy Abunda'

Si Gary ay nagkaroon ng diabetes noong 14 taong gulang pa lamang siya. Sumailalim naman siya sa heart bypass surgery noong siya ay edad 53 at makalipas lang ang ilang linggo siya ay na-diagnose ng kidney cancer. Pero naging succesful naman ang kaniyang surgery para rito at siya ay naging cancer free makalipas ang isang taon.

Tinanong naman ni Boy si Gary kung bakit malakas siya sa Diyos dahil ang lahat ng problema niya sa kalusugan ay kaniyang nalampasan.

Sagot naman dito ni Gary, “It's a question that has nothing to do sa mga ginagawa ko. Kasi nagkakamali rin ako e.

“It's everything that has to do with His calling on my life and kahit anong gawin ko, kahit ano'ng isipin ko, kahit ano'ng pagsubok na pinagdadaanan ko, hindi nagbabago 'yung plano niya para sa buhay ko e.”

Samantala, gaganapin naman ang “Pure Energy: One Last Time” concert ni Gary Valenciano sa April 26, 27, at May 10 sa Mall of Asia Arena. Ang anak ni Gary na si Paolo Valenciano ang mismong direktor ng concert.