GMA Logo Glydel Mercado and Tonton Gutierrez
Source: glydelmercado/IG
What's on TV

Glydel Mercado, nag-alangang mapalapit kay Tonton Gutierrez noon dahil kay Annabelle Rama

By Kristian Eric Javier
Published April 27, 2024 10:14 AM PHT
Updated April 27, 2024 12:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, shear line, easterlies to bring cloudy skies, rains on Monday
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Glydel Mercado and Tonton Gutierrez


Alamin kung paano muntik nang hindi magkatuluyan sina Glydel Mercado at Tonton Gutierrez.

Isa sa mga pinakamatagal at kilalang celebrity couple sina Glydel Mercado at Tonton Gutierrez. Ngunit nagkaroon ng pagkakataon na muntik na silang hindi magkatuluyan dahil sa aktres at talent manager na si Annabelle Rama.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, April 26, ikinuwento ni Glydel na naging manager niya noon si Annabelle sa variety show na That's Entertainment.

Ngunit dahil nakaaway nito ang mommy niya ay hindi na si Annabelle ang manager ni Glydel sa serye niyang Del Tierro, kung saan nakatrabaho niya si Tonton.

“Siyempre si Tita Annabelle medyo mainit pa ang dugo sa akin nu'n, pero bati na kami ni Tita Annabelle ngayon. Dati nu'n parang sinabihan ka (Tonton) nu'n na 'Uy, 'wag mo liligawan 'yan,'” pag-alala niya.

Ayon naman kay Tonton ay wala siyang alam tungkol sa nangyaring iyon sa pagitan ng asawa na niya ngayon at ng kaniyang stepmother.

Kuwento nina Glydel at Tonton, nagsimula silang nagkita sa set ng Del Tierro kung saan una sila naging mag-partner. Ngunit ayon kay Tonton, “Nu'ng una kasi hindi naman ako interesado, siya rin naman parang hindi rin interesado sa'kin. Parang na-develop na lang du'n sa Del Tierro.”

TINGNAN NAG IBA PANG ON-SCREEN SWEETHEARTS NA NAGING REAL-LIFE COUPLES SA GALLERY NA ITO:

Bukod pa riyan, may non-showbiz boyfriend din noon si Glydel, kaya tila wala naman siyang nararamdaman para sa aktor kundi bilang isang partner lang. Ayon sa aktres, nagkaroon lang sila ng interes sa isa't isa noong mag-break sila ng kaniyang boyfriend.

“Nag-break kami ng boyfriend ko, tapos 'yung mga staff, napapansin ko na na parang tinutukso kami. Sabi ko, 'Bakit kaya kami tinutukso?'” aniya.

“Tapos may mga instances na magkaeksena kami, magkaharap kami, tapos si Ton, hindi makapag-dialogue.”

Paliwanag ni Tonton ay galing siya sa isang taping pa kaya't pagod na siya noon at nakailang take sila ng eksena. Pero pag-amin niya, “I couldn't look at her straight to the eyes.”

Inamin rin ng aktor na pagdating nila noon sa set ng Del Tierro na iba ang dating ni Glydel kumpara sa ibang mga nakikilala niyang tao.

“What I'm saying is tahimik ka e, so sabi ko, parang, 'Interesting,'” sabi pa niya.