GMA Logo Sunshine Garcia and Alex Castro
Source: sunshine_garcia (Instagram)
What's on TV

Sunshine Garcia, may inamin sa pagiging asawa ng politiko

By Jimboy Napoles
Published April 30, 2024 7:02 PM PHT
Updated April 30, 2024 7:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NAPOLCOM warns, urges public to report fake socmed pages
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

Sunshine Garcia and Alex Castro


Kumusta nga ba si Sunshine Garcia bilang isang politician's wife?

Inamin ng dating SexBomb dancer na si Sunshine Garcia sa King of Talk na si Boy Abunda na mahirap ang maging asawa ng isang politiko.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na si Sunshine ay misis ng dating aktor at ngayon ay Vice Governor ng Bulacan na si Alex Castro.

Sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda ngayong Martes, nakapanayam ni Boy si Sunshine at kaibigan nito na isa ring OG SexBomb dancer na si Mia Pangyarihan.

Sa kanilang kuwentuhan, kinumusta ni Boy ang pagiging politician wife ni Sunshine.

“Mahirap Tito Boy,” sagot ng dating dancer-actress.

Paglalahad niya, “Kasi maraming expectation 'yung tao sa'yo pati 'yung kung pa'no ka magsalita minsan, pa'no ka kumilos. Kailangan parang obligasyon mo minsan na tumulong ka nang tumulong. Kapag hindi mo natulungan, masama ka.”

Ayon pa kay Sunshine, na-experience niya rin na matahin ng ilang mga politikong nakaharap niya.

Aniya, “May iba kasi kong politician na nakaharap na titingnan ka nila magmula ulo hanggang paa. Para ka nilang [minamata], 'Magkano ba 'to?' Sinusukat ka na nila. Kapag hindi ka nila type, hindi ka nila kakausapin.”

“Pa'no nakatulong ang exposure mo sa show business dito sa mundo mo ngayon?” sunod na tanong ni Boy kay Sunshine.

Kuwento ni Sunshine, minsan ay napipilitan siyang makihalobilo sa mga tao kahit ramdam niya na ang pagod.

Aniya, “Akala nila porket nag-artista ako, sanay ako sa maraming tao, ganun din ako sa [politika]. Ang problema kasi Tito Boy, 'di ba minsan sa atin kapag pagod ka na, makikita 'yan sa mukha mo. 'Puwede bang 'wag na muna?' Sa kanila hindi puwede 'yung ganun. Kailangan kahit pagod ka na, kahit masama ang pakiramdam mo, [kakausapin mo] 'Hi, Hello, ganito ganyan.'”

Dagdag pa niya, “E, may ugali pa naman ako minsan Tito Boy na kapag hindi ko na kaya, masama na ang pakiramdam ko, pagod na ako, makikita mo na sa mukha ko.”

Pag-amin pa ni Sunshine, “Ilang din ako sa mga tao. 'Yun ang totoo Tito Boy. Ilang din ako sa mga tao na hindi ko kilala. Lumalabas 'yung ganito kong ugali kapag kasama ko sina Mia [Pangyarihan], si Jolan [Veluz], 'yung mga talagang puwede kong ilabas kung ano 'yung kulit ko. Pero pag ibang tao, wala.”

Paglilinaw naman ng dating SexBomb dancer, inaalala rin ng kaniyang mister na si Alex ang kaniyang sitwasyon.

“Gaganun 'yun, 'Mama, kaya mo pa? Gusto mo sa sasakyan ka na lang?' Naiintindihan din niya Tito Boy,” ani Sunshine.

Biro pa niya, “At saka 'pag puro English na nga ang usapan, talagang walkout. Nilalagnat ako.”

RELATED GALLERY: IN PHOTOS: Celebrities and their politician partners