
Matapos ang sampung taon, muling tumapak sa GMA Network ang aktres na si Maxene Magalona nang mag-guest siya sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Huwebes, May 2.
Sa panayam sa kaniya ni King of Talk Boy Abunda, tinanong siya nito kung ano ang favorite memory niya kasama ang kaniyang namayapang ama na si Francis M.
Kuwento ni Maxene, “My favorite memory of him is when he would pick me up from school in Katipunan and we would drive going back to Antipolo just the two of us. Kasi doon siya magbibigay sa akin ng mga tidbits and mga nuggets of wisdom, habang pauwi.”
Ayon kay Maxene, ang kaniyang ama ang nagturo sa kaniya noon na maging humble at huwag mangmata ng kapwa.
Aniya, “He would talk about 'yung trabaho namin that we shouldn't look down on other people just because we're appearing on television.”
Para sa aktres, ito rin ang gustong iparating na mensahe ng isa sa mga awitin ni Francis M na “Kaleidoscope World.”
“He made sure na naiintindihan ko 'yon that we were not more special or more important na lahat tayo'y pantay-pantay and this is what he would sing about in 'Kaleidoscope World' right?” ani Maxene.
Matapos ito, inawit din ni Maxene ang naturang awitin ng kaniyang ama na ginawan niya rin ng sariling cover noong 2022.
RELATED GALLERY: Maxene Magalona is forever daddy's girl to late Francis M