GMA Logo Taylor Sheesh
What's on TV

Taylor Sheesh sa naranasang homophobia: 'Takot na takot...hindi ako nagsalita'

By Jimboy Napoles
Published May 7, 2024 8:04 PM PHT
Updated May 7, 2024 8:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 17, 2025
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Taylor Sheesh


Inamin ni Taylor Sheesh ang matinding takot na kaniyang naranasan dahil sa pagiging gay.

Idinaan na lamang sa biro ng sikat na impersonator ni Taylor Swift na si Taylor Sheesh sa Fast Talk with Boy Abunda ang kaniyang kuwento tungkol sa mga pinagdaanan niya noon dahil sa homophobia.

Sa episode ng nasabing talk show ni Boy Abunda ngayong Martes, May 7, game na sumalang sa interview si Taylor Sheesh kasama ang kapwa impersonator, at comedienne-host na si Nicki Morena.

Proud gay ang drag queen na si Taylor Sheesh o John Mac Lane Coronel, pero aminado siyang natakot din siya noon dahil sa mga diskriminasyon na natatanggap niya.

Ayon kay Taylor Sheesh, bata pa lamang siya ay madalas nang nahuhusgahan ang kaniyang pagiging bakla.

Aniya, “Parang 'yung automatic kapag bakla mahina…wala kang laban, tapos salot.”

Inamin din ni Taylor Sheesh na nakaramdam siya ng takot noon at nakatanggap pa ng pananakit mula sa mga taong may ayaw sa kaniya.

“Takot ako no'n Tito Boy. Takot na takot…hindi ako nagsalita. Napili kong manahimik ng ilang taon,” paglalahad niya.

Mas pinili rin daw ni Taylor Sheesh na huwag nang pumatol sa mga taong hanggang ngayon ay hindi pa rin tanggap ang mga kagaya niyang gay.

“Mahirap kasi kapag nakipagtalo ka kasi alam mo 'yun hindi nila maiintindihan. Sa bandang huli tuloy ikaw 'yung magmumukhang masama. So mas gusto ko po rin sa chosen family kasi sila 'yung mga nakakaintindi,” ani Taylor Sheesh.

Dagdag pa niya, “Dati po mapagpatol ako , pero ngayon, sa sobrang busy wala na ako time.”

Samantala, kamakailan lang ay itinampok din sa #MPK o Magpakailanman ang buhay ni Taylor Sheesh. Balikan ang ilan sa mga detalye ng kaniyang life story sa gallery na ito: