GMA Logo Dina Bonnevie
What's on TV

Dina Bonnevie recalls pain for her kids after her separation from Vic Sotto

By Jimboy Napoles
Published May 10, 2024 8:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Park Ji Hoon is coming to Manila in 2026
Hoopster from Pavia, Iloilo is NCAA 101's Most Valuable Player
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Dina Bonnevie


“It's every mother's wish to have a whole family.” - Dina Bonnevie

Emosyonal na binalikan ng batikang aktres na si Dina Bonnevie ang panahon kung saan hindi niya pa diretsahang masabi sa kaniyang mga anak ang paghiwalay nila noon ng dating asawa na si Vic Sotto.

Sa Mother's Day episode ng Fast Talk with Boy Abunda ngayong Biyernes, May 10, nakapanayam ng King of Talk ang celebrity mom na si Dina.

Dito ay tinanong ni Boy Abunda si Dina kung paano nagtapos ang relasyon nila noon ni Vic at kung paano niya ito hinarap kasama ang kanilang mga anak na sina Oyo Boy Sotto at Danica Sotto-Pingris.

Kuwento ni Dina, “Well, masakit mang isipin at balik-balikan 'yun…the kids started noticing, 'How come papa is not coming home? How come daddy is always not home where he is?'

“Hanggang sa una one day siyang [Vic Sotto] hindi uuwi, naging two days, naging three days, naging four days, hanggang sa hindi na siya umuwi and then parang nasanay na 'yung mga bata na wala siya, and then sinabi na lang ni Vic na weekends you're gonna spend with me and then weekdays your gonna spend with your mama.”

Ayon kay Dina, bilang isang ina, nasasaktan siya noon sa tuwing hinahanap nina Oyo at Danica ang kanilang ama, dahil gusto niyang mabigyan sila ng buong pamilya.

Aniya, “Every time I remember that naiiyak ako Boy kasi as a mother…not because you know gusto ko kami pa rin ni Vic kasi si Vic Sotto siya - but every mother would want to be with the father of his children. It's every mother's wish to have a whole family, not a broken one so when you remember the pain of your children while they're telling you that, you feel so helpless e. You wish you could change things, which you can't.”

Pero paglalahad ni Dina, hindi sila kailanman nag-away ni Vic sa harap ng kanilang mga anak.

“We never fight in front of the kids and I never bad-mouthed their dad to the children. Never ko siyang siniraan sa mga anak niya,” ani Dina.

Nang tanungin naman ni Boy si Dina kung nagkaroon ba sila noon ng pag-uusap ni Vic tungkol sa nangyari sa kanilang relasyon, ito ang kaniyang naging sagot, “Yeah, but it wasn't even a spirited fight or what. Quiet lang parang, 'Bakit?'”

“Did you get an answer?” tanong muli ni Boy kay Dina.

Sagot ng batikang aktres, “Yeah. Because I am inexperienced…I was a kid. I didn't know much. Parang 'yun 'yung sinabi niya sa aking sagot.”

Aminado naman si Dina na matagal bago siya tuluyang naka-move on sa nangyari sa kanila ni Vic pero nang magsimula siyang mas mapalapit sa Diyos ay unti-unti siyang nakapagpatawad.

Sa ngayon ay kapwa na may mga bagong asawa sina Dina at Vic at maituturing na isang modern family ang kanilang setup para sa kanilang mga pamilya.

Si Vic ay kasal na sa actress-host na si Pauleen Luna at mayroon na silang dalawang anak na sin Tali at Thia.

RELATED GALLERY: The accomplished children of Vic Sotto