
Bilang celebrities, hindi maiiwasan na makatanggap ng masasakit na salita ang mga aktor tulad ng Bubble Gang stars na sina Paolo Contis at Analyn Barro. Kaya naman pinag-usapan nila kung papaano nila hina-handle ang natatanggap na bashing.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, May 15, inamin ni Paolo na naaapektuhan siya sa masasakit na salitang natatanggap.
Aniya, “Anything they say about my family, yes, medyo nakakaapekto sa akin 'yun. But anything about me, ang plastic kung sabihin kong walang-wala.”
Pagpapatuloy ni Paolo, “Pero kasi, I make sure na sa 100 na bashing at may isang positive diyan, I concentrate on that positive. Naniniwala ako na 'pag may isang naniniwala sa 'yo, okay ka pa.”
Payo ni Paolo, sa dinami-dami ng negatibong bagay sa mundo ay hindi na dapat ito pinagtutuunan pa ng pansin. Ngunit para sa kanya, entitled pa rin naman ang kahit sino sa kanilang mga opinyon. Pero pag-amin ng aktor, “Sometimes, sobra.”
TINGNAN ANG KILLER RESPONSE NG CELEBRITIES SA KANILANG BASHERS SA GALLERY NA ITO:
“Pero opinyon nila 'yun e. Ang sa 'kin, hangga't merong isang naniniwala sa 'yo, tuloy ka lang,” sabi ng aktor.
Samantala, hindi na umano pinapansin ni Analyn ang kanyang bashers. “Ako po, minu-mute ko na lang kasi ayokong nase-stress ako kasi I want to protect my peace. So in order for me to protect my peace, imu-mute na lang kita para ok ako, bahala ka diyan,” sabi ng aktres.