
Simula ngayong Lunes, May 27, mas pinaaga na ang showbiz kuwentuhan sa Fast Talk with Boy Abunda dahil mapapanood na ito tuwing 4:00 ng hapon sa GMA Afternoon Prime. '
Pagkatapos ng Lilet Matias, Attorney-at-Law, chikahan na agad kasama ang King of Talk na si Boy Abunda. Susundan ito ng super robot action sa hapon na Voltes V: Legacy sa bago rin nitong oras na 4:30 ng hapon.
Ang Fast Talk with Boy Abunda ang isa sa mga nangungunang reliable source ng celebrity life stories at showbiz news ngayon.
Kamakailan, nagdaos ang programa ng kanilang first anniversary kung saan mga bigating celebrities ang sumalang sa 'Fast Talk' interviews.
Patuloy na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa Kapuso stream.