GMA Logo sandy andolong
source: sandy_andolong/IG
What's on TV

Sandy Andolong reveals she once left Christopher de Leon

By Kristian Eric Javier
Published June 4, 2024 6:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos to Palace employees: Stay focused amid the political noise
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

sandy andolong


Sa likod ng masayang marriage nila, alamin kung bakit minsang iniwan ni Sandy Andolong si Christopher de Leon.

Isa sa mga hinahangaang celebrity couple sina Sandy Andolong at Christopher de Leon dahil sa matagal nilang pagsasama. Ngunit kuwento ng aktres, minsan na niyang iniwan ang beteranong aktor dahil sa mabibigat na mga pinagdaanan nila.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, June 4, kinumusta ng host na si Boy Abunda ang naging married life nina Sandy at Christopher. Pag amin ng aktres, naging “a bit difficult” ang kanilang mga pinagdaanan.

“At the time, we were more emotional than anything else so it was pretty hard at first, but later on, especially nu'ng dumami na ng dumami 'yung mga anak namin. And finally, it came to a point wherein I left him,” sabi ni Sandy.

Aniya, dalawa pa lang ang mga anak nila ni Christopher noon, sina Raphael at Miguel, nang umalis siya sa kanilang bahay dahil “masyado nang chaotic.”

BALIKAN ANG MGA CELEBRITY COUPLES NA NAGHIWALAY NOONG 2023 SA GALLERY NA ITO:

Ayon kay Sandy, ang naging turning point nilang mag-asawa ay noong nag-decide silang dalawa na i-surrender na ang kanilang buhay kay Jesus, para hindi masira ang kanilang pamilya.

“Nag-LSS (Life in the Spirit Seminar) kami together because he kept telling me, 'No, I want this to work. I don't want to lose you, I don't want to lose the boys. I want to have a complete family,'” sabi niya.

Paliwanag ni Sandy, dahil pareho sila ni Christopher na galing sa broken family, pinilit nilang ayusin ang kanilang relationship at marriage hanggang sa maayos na nila ito.

Panoorin ang buong episode ng Fast Talk with Boy Abunda dito: