
Ikinuwento rin ng tatlong Sparkle stars na sina Abed Green, Carlo San Juan, at Prince Carlos ang ilang challenges na hinarap nila. Bilang celebrities, hindi rin biro ito dahil bukod sa kanilang private lives, kailangan din nilang bigyan ng oras ang tapings at workshops, bukod pa sa events na kailangan daluhan.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, June 19, ikinuwento nina Carlo San Juan, Prince Carlos, at Abed Green ang kani-kanilang challenges na kailangan harapin at lampasan sa kanilang karera.
Para kay Carlo San Juan, ang matatawag niyang pinaka-challenging na parte ng buhay niya ay noong nag-aaral pa siya.
Aniya, “Kasi nung habang nag-aaral po 'ko, kasabay din po 'yun na kailangan kong rumaket kahit papaano para hindi na ako kailangan humingi pa ng baon sa Papa ko.”
MAS KILALANIN PA SI CARLO SAN JUAN SA GALLERY NA ITO:
Nang tanungin naman siya kung ano ang hindi niya malilimutan na rejection, ito raw ay noong sabihan siya na hindi siya pang-show business.
Ang reaksyon niya, “Okay po, sige po. Pero deep inside, masakit kasi parang hindi pa ba ako enough? Ano pa bang kulang ko?”
Sa kaniyang basketball career naman naramadaman ni Prince Carlos ang pinaka-challenging moment na nangyari sa buhay niya. Kuwento niya, maraming fans na nanonood noon ang binabash siya.
Pag-alala niya, “May mga tao na, 'Bakit pa kasi 'yan 'yung pinaglalaro niyo, starting point guard pa?' 'Kulang sila ng point guard talaga na real leader, wala silang ganun.' So siyempre, naaapektuhan din ako.”
Ayon pa sa kaniya, number one na sinasabi pa tungkol sa kaniya noon ay gwapo lang daw siya ngunit hindi naman marunong maglaro ng basketball.
“Sawang-sawa na 'ko marinig nun na parang 'Puro pogi lang 'yan, puro porma lang 'yan, hindi naman magaling 'yan sa basketball e.' Pero hindi naman, may mga achievements naman,” sabi ni Prince.
Naging challenge naman para kay Abed Green ang pagsabay-sabayin ang pag-aaral, basketball, at showbiz career niya, at inaming nakaka-drain iyon ng energy.
Paliwanag niya, “Kasi sabihin natin na 6 a.m. practice, 6 a.m. to 9 a.m., tapos after nu'n papasok ka pa ng school hanggang 7 p.m., tapos inabukasan magtetaping ka.”