GMA Logo Anjanette Abayari
What's on TV

Anjanette Abayari, nakipaglaban sa isang sawa nang gumanap bilang 'Darna'

By Jimboy Napoles
Published July 15, 2024 7:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Carla Abellana, ikinasal na sa kaniyang non-showbiz partner
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Anjanette Abayari


Bago si Marian Rivera, isa si Anjanette Abayari sa mga gumanap noon bilang si Darna.

Binalikan ng dating beauty queen at aktres na si Anjanette Abayari ang naging hirap niya noon nang gampanan niya ang role bilang iconic Pinoy superhero na si Darna.

Inamin ni Anjanette sa Fast Talk with Boy Abunda na talagang “mahirap na mahirap” ang naging pagganap niya noon dahil bukod sa mga metal steel harness na ikinakabit sa kaniya, nagawa rin niya noong makipaglaban sa isang totoong sawa.

“'Yung 18 feet python which I wrestled on my own. It's a real python,” pagbabahagi ni Anjanette sa batikang TV host na si Boy Abunda.

Dagdag pa niya, “I will never forget that. Not many can say that they wrestled an 18-[foot] python and lived.”

Bukod pa rito, ikinuwento rin ni Anjanette na naka-encounter din siya noon ng dalawang cobra.

Aniya, “One of the cobras decided to turn on me, and started hissing at me. Tapos biglang [it] started slithering on my dress.”

Si Anjanette ang isa sa mga original Darna noong '90s na bumida sa 1994 film na Mars Ravelo's Darna! Ang Pagbabalik. Gumanap naman bilang kaniyang kontrabida na si Valentina ang batikang singer-actress na si Pilita Corales.

Noong 2009, muling naging matunog ang Darna nang gawin itong series ng GMA kung saan bumida rito si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

RELATED GALLERY: IN PHOTOS: Pinoy superheroes at ang mga gumanap sa kanila