
Happy ngayon sa kaniyang bagong love life ang aktres na si Kylie Padilla pero hands-on mom pa rin sa kaniyang mga anak sa ex-husband niya na si Aljur Abrenica.
Sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan, kinumusta ng batikang TV host si Kylie kung kaibigan pa rin ba nito ang dating asawa.
Sagot ni Kylie, “Yes, we co-parent.”
Kuwento niya, “Madalas, like everytime na kukunin niya 'yung mga bata, we talk. Not me personally, more on if may bagong ugali 'yung mga anak namin na kailangan, tingin ko kailangan niyang sabihan, or to guide them, sasabihin ko.
“And then, same with him. Parang may napansin daw siya. Batuhan lang kami in a way so we're trying to make it as consistent as possible.”
Noong 2021 nang maghiwalay sina Kylie at Aljur. Sila ay may dalawang anak na sina Alas at Axl.
Samantala, bago muling mapanood bilang si Sang'gre Amihan sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, sasabak muna sa intense acting si Kylie sa seryeng Asawa Ng Asawa Ko. Dito ay gaganap siya bilang nagbabalik unang asawa ni Leon played by Joem Bascon.
RELATED GALLERY: Kylie Padilla reveals new relationship and new role