GMA Logo Alma Moreno, Snooky Serna remember Mother Lily Monteverde life
Source: motherlilymonteverde/IG
What's on TV

Alma Moreno at Snooky Serna, inalala si Mother Lily Monteverde

By Kristian Eric Javier
Published August 6, 2024 7:36 PM PHT
Updated August 7, 2024 8:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Brook Lopez's 9 treys power Clippers to win over Blazers
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers
'PBB' housemate Joj Agpangan weds fiancé in Austin, Texas

Article Inside Page


Showbiz News

Alma Moreno, Snooky Serna remember Mother Lily Monteverde life


Nagbalik-tanaw sina Alma Moreno at Snooky Serna sa una nilang pagkikita kay Mother Lily Monteverde.

Ipinagluluksa ngayon ng buong entertainment industry ang pagpanaw ng veteran producer at Regal Entertainment founder na si Lily Monteverde, o mas kilala bilang si Mother Lily.

Ilan sa mga celebrities ang nagbigay pugay sa martriarch ng Regal Entertainment at nitong Martes, August 6, sa Fast Talk with Boy Abunda, inalala nina Alma Moreno at Snooky Serna ang kanilang Mother Lily.

Ayon kay Alma Moreno, 17 o 18 years old lang siya noon nang makita siya ni Mother Lily sa isang pelikula na pinrodyus ni Marichu Maceda o Manay Ichu. Aniya, napanood lang noon ng producer ang kaniyang pelikula ay kinausap na siya nito.

“Ang sabi lang niya sa'kin, gawa ka lang ng movie sa'kin, sabi niyang ganu'n. 'Pero 'wag kang mag-alala, aalagaan kita, parang anak ko na,'” pag-alala ni Alma.

Kuwento pa ng aktres ay sinabi rin sa kaniya ni Mother Lily na mas sisikat pa siya kumpara sa kasikatan niya noong mga panahon na iyon.

Aniya, bago pa siya pumirma ng kontrata sa Regal Entertainment ay nagpaalam muna siya kay Manay Ichu at sa production company na Seven Crowns Ventures, at pinayagan siya.

“May ginawa po ako sa kaniyang 'Walang Karanasan,' 'yun ang unang-una, tapos nag-boom, kumita. Sobrang kumita pero sobrang pag-aalaga. Tapos 'pag medyo ninenerbyos ako, nagbabantay siya sa set na nanay nananay,” sabi ni Alma.

Kuwento pa niya, “Kasi siyempre baby pa 'ko, 'yung magsusuot ka ng medyo sexy, binabantayan ka niya bilang nanay, siyempre nakaalalay siya. So mararamdaman mo sa kaniya 'yung pagmamahal niya sa artista niya.”

BALIKAN ANG PAGLULUKSA NG CELEBRITIES SA PAGPANAW NI MOTHER LILY MONTEVERDE SA GALLERY NA ITO:

Pareho rin ang naranasan ni Snooky Serna kay Mother Lily, at inamin ng aktres na naramdaman niyang tila ikalawang ina na talaga niya si Mother Lily. Kwento ng batikang aktres, una siyang nakita ni Mother Lily sa cover ng isang magazine, at doon umano na-inspire na kunin siya para sa pelikulang Underage.

Pakatapos noon, nag-meet-up sila umano sa favorite retaurant ni Mother Lily na Mother China Restaurant.

“But going back to the kuwento, nakuwento ko 'to kay Ate Ness kanina. So Tito Douglas (Quijano) was there, my mom, Mother Lily and myself. Kain-kain kami. Habang kumakain kami, before preliminary muna, parang pleasantries muna, medyo napa-slouch ako. 'Yung aking dibdib ay napunta sa plate,” kwento ni Snooky.

“Napansin ni Mother Lily 'yung aking assets somehow. 'Sisikat ito, ganda-ganda ng -' 'Di ko po masabi,” pagpapatuloy ng aktres.

Aminado rin si Snooky Serna na nami-miss nila ang mga punchline at sense of humor ni Mother Lily, at para sa kanya, tunay na one of a kind ang batikang producer.