GMA Logo Alma Concepcion
What's on TV

Alma Concepcion encourages those struggling with depression to seek professional help

By Jimboy Napoles
Published August 13, 2024 3:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NLEX deploys more security after slingshot rocks hit buses at Balagtas exit
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Alma Concepcion


Alma Concepcion sa mga nakararanas ng depresyon: “Don't do what I did, suffer without medication.”

Dahil sa kaniyang mga pinagdaanan noon dahil sa depresyon, hinihikayat ngayon ng dating beauty queen, at aktres na si Alma Concepcion ang lahat ng mga nakararanas nito na agad kumunsulta sa mental health professionals.

Sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan, binalikan ni Alma ang dinanas niyang matinding depresyon matapos niyang manganak noon, kasunod ng kaniyang “Guam experience.”

Aminado si Alma na dumaan siya sa pinakamadilim na parte ng kaniyang buhay at pinagsisihan niya na hindi siya agad humingi ng tulong noon upang mapabuti ang kaniyang kalagayan.

Panawagan ni Alma sa mga dumadaan sa matinding depresyon, “Don't do what I did, suffer without medication, just go straight to the medication because you will just waste days and hours of your life.”

Ngayon, advocate na rin si Alma para sa mental health. Aniya, “So I always tell them, 'huwag mo nang palalain 'yan.'”

Si Alma ay itinanghal na Binibining Pilipinas 1994. Matapos ang pagsali sa beauty pageants, sinubukan ni Alma ang pagiging aktres.

Huling napanood sa GMA si Alma sa Kapuso series na The Write One at False Positive.

Samantala, narito naman ang ilan sa mental health hotlines at services sa bansa: DOH-NCMH Hotline: 0917-899-8727 or 02-7989-8727; Natasha Goulbourn Foundation Hopeline: 0917-558-4673, 0918-873-4673, 02-8804-4673; at In Touch Crisis Line: 0917-800-1123, 0922-893-8944 ant 02-8893-7603.

RELATED GALLERY: Celebrities who are advocates of mental health