
Ikinuwento ng aktor na si Benj Manalo na minsan niyang inakala na si Jay Manalo ang kaniyang ama at hindi ang comedian-host na si Jose Manalo.
Sa Fast Talk with Boy Abunda, masayang nakipagkuwentuhan si Benj kasama ang kaniyang asawa na si Lovely Abella sa batikang TV host na si Boy Abunda.
Dito, ikinuwento ni Benj na hindi niya pa noon kilala ang amang si Jose, kaya ang inakala niyang tatay niya ay ang dating sexy actor na si Jay.
Aniya, “I remember, noong nakilala ko si Daddy, I was fourth year high school. Ang akala kong tatay ko talaga noon was si Jay Manalo, hindi sila Jose Manalo.
Paliwanag ni Benj, “Nagkahiwalay kasi sila ng mom ko, when I was two years old. Ang alam ko lang ang tatay ko was nagtatrabaho sa industry, and nag-start sa letter 'J' [ang pangalan]. Ang kilala ko lang that time was si Jay Manalo.”
Nakatutuwang kuwento pa ni Benj, kinausap niya rin noon si Jay kasama ang mga kaibigang batikang aktor na sina Joel Torre at Cherry Pie Picache.
“This was a running joke with Tito Joel Torre and Ms. Pie. Noong nakita namin sa isang party si Tito Jay, parang sabi nila, 'O, Jay, papakilala namin sa 'yo si Benj.' 'O, Benj! 'Manalo.'
“So, it was a running joke. 'Tapos hanggang nakilala ko siya, 'kala niya talaga anak niya 'ko, for about 15, 20 minutes,” kuwento pa niya.
“Sabi nila, 'Uy, Jay, joke lang, joke lang.' 'Kala nila talaga ikaw 'yung tatay niya from the beginning.”
Si Benj Manalo ay ang bunsong lalaking anak ng comedian at noontime show host na si Jose Manalo.
RELATED GALLERY: Meet Benj Manalo, the multi-talented son of 'EB' Dabarkad Jose Manalo