GMA Logo Rayver Cruz, Julie Anne San Jose
What's on TV

Rayver Cruz, apektado ba sa haters mula sa fans ng GF na si Julie Anne San Jose?

By Jimboy Napoles
Published September 3, 2024 7:06 PM PHT
Updated September 4, 2024 9:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NLEX deploys more security after slingshot rocks hit buses at Balagtas exit
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Rayver Cruz, Julie Anne San Jose


Inamin ni Rayver Cruz na marami pa rin ang hindi boto sa pagiging boyfriend niya ni Julie Anne San Jose.

Aminado ang actor-host na si Rayver Cruz na nakakatanggap pa rin siya ng hate comments mula sa ilang fans ng kaniyang girlfriend na si Julie Anne San Jose.

Sa Fast Talk with Boy Abunda, napag-usapan nina Rayver at ng batikang TV host na si Boy Abunda ang relasyon nila ni Julie.

Dito, tinanong ni Boy si Ravyer kung paano niya hina-handle ang fans ni Julie na hindi boto sa kaniya.

Ayon kay Rayver, may mga pag-atake pa rin sa kaniya sa social media mula sa ilang fans ng kaniyang nobya na si Julie.

Aniya, “Well, Tito Boy may mga nakikita pa rin ako sa social media na talagang ina-attack pa rin ako, pero hindi ko na lang pinapansin.”

Pero paglilinaw ni Rayver, ang core group mismo na JAmantes, na fandom ni Julie ang nagme-message sa kaniya na wala silang problema sa aktor.

Kuwento ni Rayver, “'Yung mga core group ng JAmantes sila mismo 'yung nagme-message sa akin, nire-reassure nila ako na, 'Hindi 'yan part ng parang core group namin, kami happy kami, mahal namin si Julie, kung sino ang mahal ni Julie, mahal na rin namin.'”

Para sa aktor, hindi naman siya naaapektuhan sa hatred ng ilang fans ni Julie at hindi niya na kontrolado ang mararamdaman ng mga ito tungkol sa kaniya.

“Okay lang din naman, kasi wala Tito Boy hindi na natin mako-control 'yun e,” ani Rayver.

Paglalahad pa ng aktor, maayos din nilang napag-uusapan ni Julie ang mga ganitong bagay.

“Si Julie kapag may mga ganyang bagay o pangyayari na mahirap pag-usapan, imbes na pag-usapan in a negative way, pinag-uusapan namin siya ng positive [way],” anang Kapuso actor.

Samantala, habang bumibida bilang si Jordan sa Asawa Ng Asawa Ko, mapapanood na rin muli si Rayver bilang host ng The Clash 2024, kung saan kasama niya rin muli si Julie. Balik coaching duty na rin si Julie sa The Voice Kids kasama naman sina Billy Crawford, Stell, at Pablo.

RELATED GALLERY: Julie Anne San Jose and Rayver Cruz's cutest looks