
Inamin ni Kate Valdez sa Fast Talk with Boy Abunda na malalim na ang relasyon nila ngayon ng Japanese vlogger and artist na si Fumiya Sankai.
Bagamat hindi pa sila officially “in a relationship,” aminado si Kate na espesyal din sa kaniya si Fumiya.
“Are you together? Is Fumiya your boyfriend?” tanong ni Boy kay Kate.
“Ano Tito Boy, the feeling is mutual. We were just both happy that we exist in this world,” sagot naman ng aktres.
“One to 10, nasaan ang relasyon n'yo ngayon?” sunod na tanong ng King of Talk.
“Eight,” kinikilig na sinabi ni Kate.
Hindi rin naitago ng aktres ang nararamdaman niya para kay Fumiya. Aniya, “[He is] a blessing, [has] beautiful soul, [and] pure heart.”
Nakilala umano ni Kate si Fumiya dahil sa kanyang pagkahilig sa Anime. Nagkausap sila nang ipakilala sila sa isa't isa ng kanilang mga parehong kaibigan. Simula dito, mas lumalim pa ang kanilang naubong friendship.
Sa katunayan, sinabi ni Kate na nag- “I love you na sa kaniya si Fumiya.
“Nag-'I love you' na [si Fumiya]?”
“Opo,” nakangiting tugon ng aktres.
Naunang pinag-usapan sina Kate at Fumiya nang i-upload nila sa kanilang social media ang kanilang mga larawan nang magkasama sa HongKong Disneyland kamakailan.
Samantala, mapapanood naman si Kate Valdez sa Shining Inheritance simula sa September 9, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime bago ang Fast Talk with Boy Abunda.
RELATED GALLERY: Sweetest moments of Kate Valdez and Japanese artist Fumiya Sankai