
Simple lamang daw ang pangarap noon ng Gen Z social media superstar na si Niana Guerrero, ito ay ang maging isang cashier.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, September 17, first time na nakipagkuwentuhan ni Niana sa King of Talk.
Dito, pinag-usapan nila ang simula ng kaniyang career mula sa pagiging dancer kasama ang kaniyang kuya na si Ranz Kyle, hanggang sa maging isa sa most-followed Filipino online personalities.
Isa nga lamang sa celebrity followers ni Niana ay ang South Korean singer at K-pop superstar na si Jungkook.
Bukod dito, personal na ring nakilala ni Niana ang ilang international celebrities gaya nina Billie Eilish, Sabrina Carpenter, Meghan Trainor, at GOT7 member na si Jay B.
Ayon kay Niana, hindi niya rin inasahan na magiging matagumpay ang kanilang pagiging content creator. Sa katunayan, pangarap niya raw noon ang maging isang kahera o cashier.
Aniya, “Well, I always wanted to be a cashier. I'm very open to that.”
Kuwento ng TiktTok star, madalas daw siyang isinasama noon ng kaniyang ina sa grocery, kung saan una siyang napabilib sa mga cashier.
“I've been telling my family na, when I was like five [years old] parang natutuwa ako sa mga cashier kasi I would go with my mom sa mga grocery po, ako 'yung sumasama sa kaniya. Parang ang galing,” ani Niana.
Bukod dito, nagkainteres din siya noon na maging baker dahil nakikita niya rin ito noon sa kaniyang ina na nagbe-bake.
“It's either cashier or a baker parang 'yun 'yung naalala ko,” dagdag nito.
Samantala, dahil sa tinatamong kasikatan ngayon, tinanong din ni Boy Abunda si Niana kung interesado ba itong pasukin na rin ang showbiz.
Sagot naman ng dalaga, “Right now since I'm doing all of like the whole social media thing, I'm really enjoying it but like, I don't know, I'm not closing any doors.”
RELATED GALLERY: Niana Guerrero is elegant in red on her 18th birthday