
Bago pa maging isang sikat na singer at tawaging Crystal Voice of Asia, naranasan din noon ni Sheryn Regis na mag-perform sa mga hotel lounge habang nagsisimula pa lamang siya sa kaniyang career.
Sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan, ikinuwento ni Sheryn ang kaniyang humble beginnings sa pagiging singer.
Ayon sa Cebuana singer, hotel lounge ang isa sa mga una niyang naging stage bilang singer-performer.
Aniya, “I was 17 trying to be 18 that time. Kasi parang gusto ng direktor ko sa theater na mag-try ako sa lounge kasi more exposure, maganda exposure sa hotel.”
Dito, tinanong ng batikang TV host na si Boy Abunda kung paano pinakikitunguhan ni Sheryn ang mga customer lalo na ang ilan na may ginagawang pambabastos.
Sagot ni Filipina singer, “'Yung iba may bastos. Sasabihin ko, 'You don't have the right to do that to me. I'm a minor' and then pinapaano ko ng guard, kasi matapang akong bata that time.”
Kuwento pa ni Sheryn, hindi niya napigilang sampalin ang isang customer na nambastos sa kaniya.
“Ayoko 'yung hihipuan ako, sinampal ko talaga. Nireklamo ko sa manager doon, sabi ko, 'Ayoko nang ganito,'” ani Sheryn.
Dagdag pa niya, “'They're still customers,' but I am a singer, I am a citizen, I am a person. I have dignity. You don't have the right to touch me.”
Unang nakilala si Sheryn sa 2003 talent competition na Star in a Million. Sumikat naman ang singer sa kaniyang rendition ng awiting “Come In Out of the Rain” ng American singer na si Wendy Moten.
Samantala, nakatakda namang mag-perform sina Sheryn at Wendy sa “Harana: A Troy Laureta East Meets West Live Experience” concert tour na gaganapin sa North America simula ngayong Oktubre.
Makakasama nila rito ang iba pang Filipino at international artists gaya nina Martin Nievera, Ruben Studdard, Morissette, Jessica Sanchez, Pia Toscano, Katrina Velarde, Josefina, Jay-R, Dessa, 4th Impact, at The Fat City Horns.
RELATED GALLERY: Sheryn Regis' daughter Sweety Echiverri is a proud bisexual