GMA Logo Jesi Corcuera
What's on TV

Jesi Corcuera, naniniwalang wala sa kasarian ang pagiging isang magulang

By Kristine Kang
Published October 8, 2024 6:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Jesi Corcuera


Jesi Corcuera bilang magulang, 'Hindi nagma-matter kung ano 'yung kasarian mo para maging isang magulang.'

Isang makabuluhang panayam ang naganap ngayong Martes (October 8) sa Fast Talk with Boy Abunda, kung saan nag-guest ang transman at Starstruck alumnus na si Jesi Corcuera.

Sa kanyang pakikipag-usap kay King of Talk na si Boy Abunda, ibinahagi ni Jesi ang kwento tungkol sa desisyon niyang magkaroon ng sariling anak at kung paano niya ito pinaghandaan bilang isang transman.

Ibinunyag ni Jesi na matagal na niyang nais magkaroon ng anak bago pa man sila magkabalikan ng kanyang partner na si Cams. "Actually po bago po kami po na mag-together again, nauna 'yung pagplano ko na magkababy na. Parang pumasok si Camille... nag-stop na ako mag-hormones. Kumbaga planning na talaga na nagpupunta na ako sa hospital," pahayag niya.

Nang makasama niya ang mga anak ni Cams, lalo pang naging determinado si Jesi na magkaroon ng anak. Inamin din niya na nakaramdam siya ng pressure at pagseselos sa tuwing nakikita niyang nag-aalaga ang kanyang partner sa mga anak. Kaya naman, nagdesisyon siyang siya mismo ang magbubuntis para agad na magkaroon ng sariling baby.

Tungkol sa pagiging ina at ama ng kanyang anak, naniniwala si Jesi na hindi mahalaga ang kasarian para maging magulang. "Sa pagtayo ko bilang tatay ng mga anak ni Cams, ang daming realizations. So parang sinabi ko bago mabuo 'yung isang bata, meron namang mama at papa. Hindi lang naman mama lang. So sabi ko, 'Puwede ko naman siya gawin kasi may mga single mom, nagpapaka tatay.' So parang ganun 'yung inisip ko na lang. Hindi nagma-matter kung ano 'yung kasarian mo para maging isang magulang," paliwanag niya.

Kung sakaling magtanong ang kanyang anak kung bakit iisa lang ang kanyang magulang, komportable raw si Jesi na ipaliwanag ang kanyang opinyon tungkol sa pagiging magulang. "Maiintindihan niya na hindi man pareho ng iba, meron mama at papa. At least ako, isa lang ako kaya ko na siya. Hindi ko kailangan mag-transform ng dalawang tao para mahalin siya," sabi niya.

Sa kabila ng mga komento ng publiko tungkol sa kanyang pagbubuntis, hindi ito pinapansin ni Jesi. Sinabi niya na iniiwasan niyang basahin ang mga nakalagay sa social media dahil bilin din ito ng kanyang doktor para sa kanyang kaligtasan at pagbubuntis.

Samantala, kilalanin pa si Jesi Corcuera sa gallery na ito: