GMA Logo Kokoy de Santos
What's on TV

Kokoy de Santos, paano hinaharap ang mga kinakatakutan sa buhay?

By Kristian Eric Javier
Published October 11, 2024 11:24 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipino teachers face visa delays as US expands social media checks
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

Kokoy de Santos


Alamin ang mga kinakatakutan ni Kokoy de Santos at kung paano n'ya ito hinaharap.

Aminado ang Kapuso star na si Kokoy de Santos na marami siyang kinakatakutan kaya't kataka-taka para sa kaniya kung bakit siya nakasama sa Running Man Ph gayung maraming challenges mula sa kompetisyon ay may takot siya. Pero paano nga ba hinaharap ng aktor ang kaniyang mga takot?

RELATED CONTENT: Running Man Philippines 2: Kokoy de Santos, ang Boy Kabado na hindi susuko moments! (Online Exclusives)


Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, October 10, inamin ng Mga Batang Riles actor na marami naman talaga siyang kinakatakutan, ngunit malaking tulong ang pagganap niya sa kaniyang mga karkater para harapin ito.

“Kapag nadu'n na'ko sa paa nu'ng karakter na ginagawa ko po, wala ako dapat kinakatakutan, Kailangan kong maniwala sa ginagawa ko. So kahit minsan, takot ako, ang hirap,” sabi ni Kokoy.

RELATED CONTENT: Photos that prove Kokoy de Santos is the next big leading man of GMA


Ngunit kahit maraming kinakatakutan ay nagagamit pa rin ito ng aktor para mas pagbutihin pa ang kaniyang pag-arte. Aniya, kung wala siyang takot kapag gumagawa ng eksena, malamang, may mali sa kaniya.

Kuwento ni Kokoy, “Meron pong mga takes na alam kong wala akong kaba, feeling ko isa pa. Kung hindi man umisa si direk, 'Direk, baka po pwede [isang take pa] kasi alam ko hindi po, kasi walang kaba ni kaunti.' Ayoko lang magpalamon sa kaba, Tito Boy, kasi iba na 'yun e, hindi ko na magagawa.”

Inamin ri nng Bubble Gang cast member na “nandu'n po [ang kaba] palagi.]"

Sa estado ng karera ngayon ni Kokoy, inamin niyang hindi siya nakakaramdam ng kaba dahil alam niyang nakasuporta ang kaniyang pamilya at fans niyang mga Kolokoys. Pero aminado rin siya na nakakaramdam pa rin siya ng pressure.

“May pressure siya lagi pero hindi ko lang siya nilalagay sa utak ko. Pressure na siyempre ganito, may maririnig ka na dapat ganito, kailangan busy ka,” sabi ng aktor.

At para harangin ang ganitong mga naiisip niya ay kinakausap niya ang kaniyang pamilya at mga kaibigan sa loob at sa labas ng industriya.

“Laking bagay Tito Boy na sinasabi ko sa kanila 'yung ganito 'yung nararamdaman ko, ina-acknowledge ko Tito Boy 'yung lahat,” sabi niya.