GMA Logo Kokoy de Santos, Angel Guardian
What's on TV

Kokoy de Santos, nanliligaw nga ba kay Angel Guardian?

By Kristian Eric Javier
Published October 11, 2024 11:48 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025
PCSO: No winners in Dec. 29 draws, Grand Lotto 6/55 jackpot prize climbs to P269-M

Article Inside Page


Showbiz News

Kokoy de Santos, Angel Guardian


May sagot si Kokoy de Santos kung totoong nililigawan niya si Angel Guardian. Alamin dito.

“We'll be right back!”

Iyan ang pabirong sagot ni Kokoy De Santos nang tanungin siya kung nililigawan ba niya ang kapwa Kapsuo at Running Man PH star na si Angel Guardian.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, October 10, ay inalala ng host na si Boy Abunda ang tungkol sa bad breakup na naranasan ni Kokoy at tinanong kung ano ang aral na natutunan niya mula rito. Sagot ni Kokoy, “Hindi masamang unahin ang sarili, Tito Boy.”

Pag-amin pa ng aktor ay nasasabi lang niya iyon matapos lumipas ang mahabang panahon simula ang breakup.

“'Pag nandu'n ka, wala. Dedma ka sa lahat, 'In love ako.' So umpisa pa lang, inisip ko. Sa susunod man na relasyon, iniisip ko lagi magtira. Totoo pala 'yun na laging sinasabi ng mga mas nakakatanda sa'yo na mainam na magtira ka sa sarili mo,” sabi ni Kokoy.

Sinang-ayunan din ng Bubble Gang star ang sinabi ng batikang host na posibleng magtira ng pagmamahal para sa sarili, lalo na kung iisipin ng isang tao na ayaw na nilang muling masaktan pa ng ganu'n.

Nang tanungin naman siya kung totoo bang nanliligaw siya sa kapwa Running Man PH runner, ang sagot ni Kokoy, “Tito Boy, hindi po. Hindi, hindi. Nag-e-enjoy lang po kami ni Angel.”

Tinanong din si Kokoy ng batikang host at talent manager kung ano ang takot niya tungkol sa pag-ibig. Ang una umanong pumasok sa isip ng aktor ay ang mawala ulit ang pagmamahal niya para sa sarili at sa pamilya.

Paliwanag ni Kokoy, “May ganu'n akong something na 'pag nandu'n kasi ako sa moment na 'yun, ewan ko kung ako lang 'to, marami naman siguro nakaka-relate na parang 'In love ako e, gustong-gusto ko 'to. Lahat gagawin ko, iwan lahat.' So may ganu'n ako Tito Boy. Hindi ko naman sinasabi na kayang-kaya ko na pero nandu'n pa rin 'yung takot na 'yun.”

BALIKAN ANG ILAN SA MGA DROOL-WORTHY PHOTOS NI KOKOY DE SANTOS SA GALLERY NA ITO: