GMA Logo camille villar
Photo by: Fast Talk With Boy Abunda, GMA Network FB
What's on TV

Camille Villar, naniniwalang responsibilidad ng mga anak na alagaan ang kanilang magulang

By Kristine Kang
Published October 22, 2024 6:30 PM PHT
Updated October 23, 2024 10:03 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: January 1, 2026
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City

Article Inside Page


Showbiz News

camille villar


Camille Villar: "Dapat inaalagaan natin ang isa't isa."

Isa sa mga pinagdedebatehan ngayon online ang paksa kung responsibilidad ng mga anak na alagaan ang kanilang mga magulang?

Maraming kilalang personalidad ang sumali rin sa usaping ito, kabilang ang content creator na si Mama LuLu.

Sa isang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda, ibinahagi ng politician na si Camille Villar ang kanyang pananaw tungkol sa usaping ito.

Para sa kanya, responsibilidad ng mga anak na alagaan ang kanilang mga magulang bilang tanda ng pagmamahal at respeto sa kanilang pag-aruga.

Paliwanag niya, "Naniniwala ako na pag bata tayo, siyempre, inaalagaan tayo ng mga magulang natin. Pero dapat both ways, so dapat inaalagaan natin ang isa't isa."

Dagdag pa ni Camille, "Para sa akin, gusto ko komportable ang mama at papa ko tapos hindi sila nahihirapan hanggang ngayon."

Ngayon, bilang isang magulang din sa kanyang mga anak na sina Tristan at Cara, nais ni Camille na bigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Kuwento niya, naaliw siya sa kanyang naging buhay ngayon. Dati, hindi niya akalain na ang dating siya na inaalagaan nang lubusan ay magiging isang dedicated at mapagmahal na ina.

"I tried to be a supportive wife. I tried to take care the people around me. Tapos kasi noong bata ako, my whole life, ako 'yung palaging inaalagaan dahil ako 'yung baby. Baby ako sa pamilya namin, ako 'yung pinakabata. Tapos nagulat ako noong naging mom na ako, iyon 'yung pinaka-favorite part ng buhay ko," pahayag niya.