GMA Logo Nadine Samonte
source: nadinesamonte/IG
What's on TV

Nadine Samonte, na-bash dahil sa sa pangongolekta ng usong manika ngayon

By Kristian Eric Javier
Published October 27, 2024 10:20 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Can the Philippines turn motorcycles into a tourism engine?
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Nadine Samonte


Kahit maraming bashers, masaya si Nadine Samonte sa kaniyang bagong doll collection.

Isa sa mga pinakabagong celebrity na nahuhumaling sa mga plushie bag charms ay ang Forever Young star na si Nadine Samonte. Kahit pa nakukumpara siya kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, October 23, ikinuwento ni Nadine na nakatanggap siya ng mga pamba-bash mula sa netizens noong simulan niyang mag-post ng kaniyang Royal Mollies.

Aniya, sinasabi sa kaniya ng netizens na gumagaya lang siya kay Marian na kamakailan lang ay nag-post din ng kaniyang collections sa Instagram.

“Nu'ng umpisa po na nagpo-post na 'ko, may mga bashers na medyo below the belt and sinasabi nila na 'Kaya ka pala walang upuan sa gala night.' So may mga ganu'n,” pag-alala ni Nadine.

TINGNAN KUNG SINO-SINO NANG CELEBRITIES ANG NAHUMALING SA BAG CHARMS TULAD NG LABUBU AT ROYAL MOLLY SA GALLERY NA ITO:

Aminado ang aktres na hindi niya alam ang koneksyon ng pag-collect niya ng Royal Molly sa nagdaang GMA Gala na binanggit ng basher. Sinabi rin niyang hindi niya alam noong una na nangongolekta rin si Marian at nalaman na lang niya ito noong mapanood ang video ng Kapuso Primetime Queen.

“I texted her kasi I'm looking for some Royal Mollies na meron siya. Sabi ko, 'Yan, saan mo nabili 'yung ibang Royal Mollies mo? Sino 'yung supplier mo?' Kasi that Royal Molly is really really hard to find, it's rare kasi two years ago na po siyang nilabas so it's really hard to find,” pagbaliktanaw ni Nadine.

Sabi pa niya, ibinigay umano ni Marian Rivera ang contact number ng supplier niya at sinabihan pa si Nadine ng “Happy collecting, Nads!”

“So she's so happy for me so I'm just curious, parang bakit 'yung mga tao galit na galit sa'kin kasi nanggagaya ako? Hindi ko nage-gets 'yung point nila so du'n ko na-realize na, 'Hayaan mo na, it's still a publicity, bahala sila. Basta ako, I'll do whatever I like and I love whatever I have so bahala kayo,'” sabi ni Nadine.