GMA Logo Betong Sumaya
Photo by: GMA Network (FB), Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Betong Sumaya, tinawagan ang kanyang basher noon?

By Kristine Kang
Published November 22, 2024 7:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

September Christmas in PH? Partly due to mall culture, Jose Mari Chan, says experts
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Betong Sumaya


Betong Sumaya sa kanyang hater: "Akala ko ba mabait ka, nagpa-video greet ka pa sa akin dati. Ano'ng nangyari sa iyo?"

Isa sa mga pagsubok na hindi maiwasang harapin ng mga artista ay ang makatanggap ng mga negatibong komento o bashing mula sa haters. Karaniwan nagaganap ito online, kung saan ang mga komento ay madalas na nagiging personal at masakit para sa mga artista.

Sa isang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin ng Kapuso comedians na sina Betong Sumaya at Chariz Solomon na nakaranas din sila ng online hate. Ibinahagi nila ang kanilang mga karanasan sa mga basher at kung paano nila ito hinarap.

Nagulat ang maraming Kapuso viewers at pati na si Boy Abunda mismo nang inamin ni Betong na may isang pagkakataon na tinawagan niya ang isang basher. Ayon kay Betong, nangyari ito habang siya ay bahagi ng GMA musical variety show na All-Out Sundays. Nakakita kasi siya ng isang basher na palaging nag-iiwan ng masasakit na komento online.

"During All-Out Sundays po iyon before so lahat po kami parang shoot from home. So may isang segment na talagang ayaw na ayaw ng isa. Tapos sinabi parang, 'Wala kang kwenta. Hindi ka nakakatulong sa ratings. Wala kang karapatan sa AOS.' Parang ganoon," kuwento ni Betong.

Patawang sinabi ni Betong na gutom pa siya noon at dahil dito, tinawagan niya ang hater sa Instagram. "Tumawag talaga ako Tito Boy, tapos sinabi ko, 'Salamat po sa comment mo. Tinatanggap ko 'yung comment mo pero tanggapin mo rin 'yung comment ko.' Sabi ko, 'Trabaho lang ito. Ginagawa lang namin ito kasi work ito at kailangan namin magkaroon ng income.'"

Sa kabila ng kanyang mahinahong paliwanag, nagalit pa rin ang basher at sinabihan siya ng "Wala ka kasing kuwenta!" Ngunit nang basahin ni Betong ang mensahe ng basher sa kanilang chat, napansin niyang humingi pala ito noon ng birthday video message para sa kanyang anak.

"So sinabi ko, 'Akala ko ba mabait ka, nagpa-video greet ka pa sa akin dati. Ano'ng nangyari sa iyo?'" ani Betong. "Sabi niya, 'Um... pasensya ka na din.' Bigla siyang (kumalma). Nagsabi naman siya ng, 'Pasensya ka na. Gusto ko lang kasi sabihin 'yung nararamdaman [ko].'"

Sa karanasang ito, ipinaabot ni Betong sa netizens na okay lang magbigay ng reaksyon, ngunit ang mga komento ay dapat na maging konstruktibo at hindi masyadong masakit.

Si Chariz Solomon naman ay nagbahagi rin ng kanyang sariling karanasan. Isa sa hate comments na hindi niya nalampasan ay tungkol sa kanyang panganay na anak. Dahil dito, nagdesisyon siyang hanapin ang Facebook account ng basher at napag-alamang isa itong bagong ina. Bilang paalala na maging positibo sa buhay, nagkomento si Chariz sa larawan ng basher ng "God bless your child."

Samantala, balikan dito ang best reactions ng celebrities sa kanilang bashers: