GMA Logo John Arcilla
Source: johnarcilla/IG
What's on TV

John Arcilla, minsan nang naudyukan tumakbo sa pulitika

By Kristian Eric Javier
Published November 26, 2024 10:27 AM PHT
Updated November 26, 2024 5:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Wizards have rare showing on defense in win over Pacers
Visually impaired soldier promoted from captain to major

Article Inside Page


Showbiz News

John Arcilla


May paalala si John Arcilla sa mga gustong tumakbo sa darating na eleksyon.

“Bakit ka nandyan?”

Iyan ang mapanghamon na tanong ng batikang aktor na si John Arcilla sa mga kandidato, artista man o hindi sa nalalapit na 2025 midterm elections. Sinabi niya ito nang hingin ang kanyang opinyon sa pagtakbo ng celebrities sa pulitika.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, November 25, tinanong siya ni King of Talk Boy Abunda kung ano ang tingin niya sa mga taong nagsasabi na wala umanong karapatan ang mga artista na tumakbo sa pulitika.

Ang sagot ni John, “Lahat ng tao ay may karapatan na tumakbo sa pulitika at maging opisyal, ke artista ka o hindi ka artista. Ang tanong, bakit ka nandyan at pupunta sa pulitika? Para ba talaga maglingkod, o para yumaman dahil wala kang pinagkakakitaan?”

Sabi ng batikang aktor, kung dahil sa pera lang ang pagtakbo ng isang kandidato ay “mali kaagad” ang kanilang rason.

“Kasi ang pulitika o ang pagiging opisyal ng bayan ay para maglingkod. 'Pag yumaman ka daw na nasa pulitika ka at nasa gobyerno, hindi ka naglilingkod. Dapat malinaw sa'yo 'yan,” pagpapatuloy ni John.

TINGNAN ANG CELEBRITIES NA TATAKBO SA 2025 MIDTERM ELECTIONS SA GALLERY NA ITO:

Pag-amin ni John ay marami na ring nag-alok sa kaniya na pumasok sa pulitika at marami na siyang tinanggihan. Pero may isang pagkakataon na muntik na siyang kumandidato bilang konsehal ng Paranaque. Hindi lang umano ito natuloy dahil meron siyang proyekto noon sa telebisyon.

Kuwento ng aktor, “Naawa lang ako sa nagpipilit sa akin na congressman na sumama ako. Buti na lang, meron akong program nu'n sa TV na hindi pala ako pwede mag-campaign habang ako'y nasa telebisyon.”

“E na-tape na 'yun, hindi na pwedeng burahin 'yung mga eksena ko at 'pag binura 'yun, sira 'yung buong kwento. I was saved by that particular incident, it wasn't meant (to be) so I was so thankful kasi talagang ayoko, ayoko ng pulitika,” pagpapatuloy ni John.

Aniya, sa edad niya ay napanindigan niya ang kaniyang desisyon at kahit pa umano magkainteres siya ay alam din niyang hindi na kakayanin ng kaniyang katawan ang pagod at hirap ng pangangampanya.