GMA Logo Suzi Entrata, Lyn Ching
Source: lynching7 (IG)
What's on TV

Suzi Entrata at Lyn Ching, naisip bang umalis ng 'Unang Hirit?'

By Kristian Eric Javier
Published December 3, 2024 3:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Head coach LA Tenorio activated for Magnolia; Andrada, Abis also get green light
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Suzi Entrata, Lyn Ching


Alamin kung bakit gustong gusto pa rin nina Suzi Entrata at Lyn Ching ang pagiging bahagi ng 'Unang Hirit' after 25 years.

Kahit umabot na ngayon ng 25 years ang morning show na Unang Hirit, hindi minsan naisip ng OG o original hosts na sina Suzi Entrata at Lyn Ching na umalis. Katunayan, naging mas interesado pa sila sa kanilang trabaho ngayon kumpara noong nagsisimula pa lang ito.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, December 3, tinanong sila ni King of Talk Boy Abunda kung minsan ba ay naisip nilang iwan ang Unang Hirit.

Tanong ni Boy, “25 years, was there a time na sa sobrang pagod, or whatever reason, you wanted to walk away?”

Mabilis na sagot ni Lyn Ching, “No, I never wanted to walk away.”

Ngunit aniya, madalas siyang nagbabakasyon at kumukuha ng out of the country trips lalo na ngayong mas matanda na siya.

“And I do a lot of interviews also outside of the country so I think [of] that as an opportunity for myself to unwind and relax, eat a lot, come home, and re-energized ka na. So that when you get back, 'Uy, bago na ulit. You can present yourself as a whole new person again,'” sabi ni Lyn.

Dagdag ni Suzi Entrata, “[Para] Maiba ng konti 'yung flow.”

TINGNAN ANG PAGBALIKTANAW NG 'UNANG HIRIT' BARKADA SA JOYS AT SACRIFICES NILA BEHIND-THE-SCENES SA GALLERY NA ITO:

Para naman kay Suzi ay sobrang mahal niya ang kanyang UH Barkada family na hindi niya magawang iwan ito at inaming “fiercely protective” siya dito.

“I'm excited everyday to go to work, strangely enough, after 25 years. Siguro dati, 'I'm so excited, may trabaho ako, bata ako,' siguro. Ngayon siguro ganun pa rin. 'I'm so excited, may trabaho pa rin ako, matanda na 'ko,'” pagbabahagi ng TV host.

Nang tanungin naman sila ni Boy kung paano nila napapantaling interested sa at interesting ang kanilang trabaho, para kay Lyn, iyon ay ang pag-travel at interview niya ng iba't ibang mga tao.

“Parang 'yung pagiging reporter ko dati, nabalik ngayon so parang it's another life, in a way. Napaghalo ko siya ulit after so many years of not being able to do that so nakakatuwa siya,” sabi ng TV host.

Pag-amin naman ni Boy, may mga panahon na up and down ang trabaho nila bilang mga reporter at host at pagsang-ayon ni Suzi, “Para kang nabu-burnout.”

Dito, ikinuwento ni Suzi ang interaction niya sa isang kaibigan kung saan tinanong siya kung kamusta ang pagtatrabaho niya bilang host ng Unang Hirit, at kung alam ba nila agad kung sino ang guest nila sa araw na iyon.

Pag-alala ni Suzi, “Paminsan hindi. As in hindi, makikita mo na lang du'n, du'n kayo magmi-meet, du'n mo gagawin 'yung whatever segment or interview. Tapos sabi niya, 'E, di ang saya, everyday ng life mo, iba siya ng iba.' When she said that, hindi ko na 'yan nakalimutan. And then 'yun 'yung laging appreciation ko na 'Oo nga naman no? Everyday, iba 'yung puwedeng mangyari.'”

Panoorin ang panayam nina Suzi at Lyn dito: