
Matapos ang ilang taon na hindi siya napanood sa TV at pelikula, muling magbabalik si Philippine cinema icon Hilda Koronel sa pamamagitan ng historical thriller film na Sisa.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, December 19, ibinahagi ni Hilda na siya ay magbabalik-pelikula at ito ay sa direksyon ni Jun Lana. Kuwento ng beteranang aktres, ang setting ng pelikula ay noong 1902, kasagsagan ng Spanish-Filipino American war.
“It's called Sisa and they have a misconception sometimes na it's about Jose Rizal's Sisa, but it's not. So original story ito ni Jun. Interesting,” pahayag ni Hilda.
Ayon pa sa aktres, sa umpisa ng pelikula ay makikita si Sisa bilang “mad woman” dahil sa pagkakapatay ng kaniyang pamilya dahil sa giyera. At dahil hindi alam ng mga tao, lalo na ng mga kababaihan ang kaniyang pangalan, siya ay binansagang Sisa mula sa naturang nobela.
Ayon sa beteranong aktres, iikot ang kuwento ng pelikula sa panahon kung kailang isinuka na ng Espanaya ang Pilipinas sa Amerika. Dito ay ipapakita umano ang “all sides” ng naganap na pananakop.
“We're showing all sides, the bad side of the nationalists, the bad side of the American occupation, and all that, and the things in between from the perspective of the people that were there in this particular bayan,” pagbabahagi ni Hilda.
Samantala, inamin naman ni Hilda na isa sa mga dahilan kung bakit niya tinanggap ang proyekto ay dahil malayo ito sa mga nakagisnan na niyang gawin.
“I did Lupang Hinirang which is a period piece in the old days, but it's totally different, totally different. This is really concentrating on her and her revenge, 'yung gusto niyang mangyari. Okay, pinatay niyo lahat ng mga pamilya ko so talagang it's very interesting,” saad pa niya.
Ayon kay Hilda, synopsis pa lang ang nababasa niya ay nagustuhan na niya kaya humingi si siya ng “great script” mula kay Direk Jun.
RELATED GALLERY: These veteran actors are filled with wisdom