
Para sa Asawa ng Asawa Ko actors na sina Rayver Cruz at Jasmine Curtis-Smith, ang cheating ay ang kawalan ng contentment mula sa kasalukuyang partner, isang bagay na hindi sinasang-ayunan ng dalawang aktor.
LINK:
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, December 20, ay tinanong ni King of Talk Boy Abunda kung ano para kina Rayver at Jasmine ang cheating.
Sagot ng aktres, “Emotional or physical investment in another person.”
Paliwanag ni Jasmine, “Para sa akin kasi, Tito Boy, ibig sabihin hindi ka pa talagang committed na ibigay 'yung lahat, invest lahat sa taong napili mo na, so meron ka pa palang... 'yung sobra na 'yun na kaya mo pang ibigay sa iba.”
Pagpapatuloy pa ng aktres, mas mabuting i-invest sa iyong current partner ang oras na magkausap kayo, at pagkakaroon ng safe space sa taong iyon.
“Hindi mo na mahahanap 'yun sa iba kung nagagawa mo naman na 'yun with your current partner,” sabi ni Jasmine.
Para naman kay Rayver, ang cheating ay kawalan ng contentment ng isang tao sa kaniyang kasalukuyang partner na hinahanap sa ibang tao.
Dagdag pa ng aktor, “And then hindi buo 'yung loob mo na aminin sa current partner. Kaya nagkakaroon siguro ng hulihan or cheating.”
BALIKAN ANG NAGING REAKSYON NG ILANG CELEBRITIES SA CHEATING ALLEGATIONS KINA MARIS RACAL AT ANTHONY JENNINGS SA GALLERY NA ITO:
Nang tanungin naman sila tungkol sa second chances, sinabi ni Rayver na sa ngayon ay hindi pa siya naniniwala dito. Paglilinaw ng aktor, alam naman niya na kapag may pamilya, asawa, at mga anak ka na ay maaaring magbago ang pananaw.
“Pero for now, Tito Boy, parang mahirap, mahirap mag-second chance kasi parang sacred kasi 'yan for me, e. Kay importante rin sa'kin na nag-uusap talaga, na honest tayo. Mas matatanggap ko pa 'pag naging honest na lang. Masakit, pero at least nag-uusap tayo, naging honest ka na hindi talaga kaya or may nagustuhan kang iba. Mas okay po 'yung ganu'n,” sabi ng aktor.
Pag-amin naman ni Jasmine, mahirap para sa kaniya sagutin kung dapat ba magbigay ng second chances dahil siya, bilang anak, ay umasa na magkakaroon ng ikalawang pagkakataon sa pagmamahal ang separated niyang mga magulang.
Ngunit paglilinaw ng aktres, “Pero 'di ko alam kung bilang girlfriend or as a wife, if this happened to me, I could process it, but I would like to try. I think I'm the type of person that would like to try a second chance.”